Diana's POV
Andito na kami sa hospital ni Dylan, dala dala ang mga sinabi niyang dalhin namin. Nasa private room kami. May bodyguards rin na nagbabantay sa labas.
Dalawang taon na palang tulog si Dino. People are supposed to call me Mrs. Sawyer but I am well known by my name Kaya yun nalang yung tinawag sakin. We got married 7 years ago.
Araw araw kong pinagsisisihan to dahil ako ang may kasalanan kung bakit siya nagkaganito. Parang kahapon lang nangyari lahat, yung pagtatalo namin at ang car accident.
I was so scared knowing that the same thing happened to Argel before at wala akong nagawa. Ayoko pang mawalan ng ama ang anak ko.
Kinuha ng anak ko ang test paper niya at ipinakita kay Dino, kunwari alam nito ang mga pangyayari sa paligid.
"Alam mo daddy, perfect ulit ako sa exam namin. Tapos may 5 stars pako oh. Sana po gumising ka na para makapaglaro na tayo. Miss na miss ka na namin ni mommy."
"Oh? Bakit ka malungkot?."
"Next week napo kasi ang family fun day namin. Hindi natin makakasama si Daddy."
"Family din naman tayo ah."
"Naiinggit po kasi ako, yung classmates ko kasama nila ang mga daddy nila sa araw na yun. Ma, bakit di pa po gumigising si daddy? Ang sabi nyo po nagpapahinga lang siya. Ang tagal niya naman pong magpahinga."
"Hindi na importante kung gaano siya katagal nakatulog anak, ang mahalaga ay gigising pa siya. Malay natin diba? Baka bukas gising na siya. Mag pray lang tayo lagi for him."
"Okay po ma." Mabuti naman at nakakaintindi na si Dylan sa mga pangyayari.
Diniligan ko muna ang cactus bago kami umalis.
KINABUKASAN
Sinundo ko ulit si Dylan sa school pagkatapos ng klase niya. Nag-aya siyang pumunta ng playground/park.
Naaalala ko pa ang lugar na to. Dito kami madalas magkita ni highschool noong highschool. At itong kinauupuan kong swing ay mismong swing na inupuan ni Franki nung una ko siyang makita nung elementary pa kami. No, it's not love at first sight. Awa ang nararamdaman ko sa kanya nung araw na yun.
She was crying. I heard she just lost her father that day. Schoolmates pala kami. Siya pala yung nakasama ko sa isang contest sa school na campus journalism. We're in the same place at the same time pero nung marinig ko ang pangalan niya at makita ko siya parang wala lang nung mga panahon na yun.
I know sobrang lungkot niya dahil sa nangyari pero sa tuwing nakikita ko siya sa school, she still wear that same smile on her face.
I admired her courage at the same time I wanted to help her open up. Hanggang sa naging classmates kami sa highschool. Siya parin yung masayahing Franki. Ironically, I became one of the reasons why she had to forcefully put a frown on her face.
And speaking of,
Anong ginagawa niya dito?. Is she following us?.
Kinakausap niya si Dylan. Ayaw kasi itong isali ng ibang mga bata sa paglalaro. Gusto kong maging masaya sa nakikita ko pero hindi pwede. Naalala ko ulit ang aksidente at ang pagtatalo namin ni Dino sa loob ng kotse.
FLASHBACK
"Oo, alam ko na may pagkukulang din ako! Pero ang kaibahan lang natin ay yung pagkukulang mo hindi ko hinanap sa iba!." Sigaw niya habang pabilis nang pabilis na ang takbo ng sasakyan.
YOU ARE READING
About A Girl (FRANKIANA)
FanfictionTwo of Asia's top successful women are from the Philippines. Frances Margaret Russell (owner of the Russell Gifts Inc.) and Diana Cariaga Mackey (new owner of Mackey Jewels). In an interview aired Nationwide, these two competing company- owners were...