Franki's POV
Bakit hindi mo sinabi sakin Diana? All these time, wala akong alam tungkol sa bagay na yun.
FLASHBACK
"..Because the fact that he made you sacrifice those things about you just for him to stay, that's already an indication that you're accepting the wrong type of love.."
..
"You know, I think it's time narin that I should give you those things that you gave me. Ako nalang lagi ang nakakatanggap ng mga chocolate at bulaklak." Sabi ko.
"Wag na Franki. Okay nako. I don't need those."
Sumama ang loob ko nang sinabi niya yun.
EOFB
Ironic how Diana couldn't get any of those she gave. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit niya ako binibigyan ng mga buto dati imbes na chocolates at bulaklak (gardenia). That also explains why she only takes care of cacti. She loved me without sacrificing that part of herself. So, that's what she meant. Now all of it is starting to make sense.
Mahal niya ako and she wanted to give me those things, but I couldn't give all of those back to her. Where I am now is because of Diana.
Kumakain na kami pero nakatingin parin ako kay Diana. Maraming kinwento si Dylan kaya madali rin akong nadistract. Naging masaya naman ang gabi.
Naglaro pa kami ni Dylan hanggang sa nakatulog na siya sa sofa at binuhat nalang ni Diana paakyat ng kwarto.
Hinatid nya lang ako palabas. Hindi pako nakakasakay sa kotse ko nang,
"Bakit di mo sinabi sakin?." I blurted. Lumingon siya sakin. Pabalik na kasi sana siya sa bahay.
"What?."
"That you're allergic to chocolates and flowers."
"Why? Importante pa ba yun?." Sabi ni Diana.
"Because I was about to tell Kiara on national TV that day why I am where I am today. And that's because of you Diana. You're mostly the content of my book."
"I don't know what you're talking about."
"You made adjustments for our relationship to work before. Alam mo ba kung bakit ako pumayag na pakawalan ka? It's because akala ko ako lang ang may pakialam satin noon. Akala ko duwag ka dahil di mo ko pinaglaban. But you did right? Hindi mo lang pinaalam sakin."
"Are we still talking about my allergies here?."
"That's not the point Diana. The point is you made me misunderstood you by hiding parts of yourself and the parts you did for me. Good parts that are making me regret why I let you go. So, tell me Diana. Ano pa bang hindi ko alam?."
Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.
"Please go. Just go." Mahinang tulak niya sakin para pumasok nako sa kotse. Pero ayoko,
"Ano ba Franki? Umuulan na oh."
"Wala akong pakialam."
"Ano ba talagang gusto mo ha?!."
"Na sabihin mo sakin ang totoo!. Anong nangyari satin?! Bakit umabot tayo sa ganito? Bakit hinayaan mo lang akong pakawalan ka?!."
"Gusto mo yung totoo?. Mahal kita. Yun lang yung totoo Franki. I loved you enough to let you go."
"Hindi kita maintindihan."
"Aksidente kong nalaman yung tungkol sa cancer ng mommy mo. At parang wala syang planong sabihin sayo noon. Nabaon narin kayo sa utang. Nang malaman ng mga magulang ko yung tungkol satin, pinaglaban kita. Pero mas nangibabaw yung kagustuhan kong tulungan ang mommy mo kaya pumayag akong magpakasal kay Dino. It wasn't arrange marriage. Ako mismo ang pumili sa kanya. Dahil mas matutulungan ko kayo kung may pera ako. For the following years nagsustento ako sa inyo. Pero di na talaga kinaya ng katawan ng mommy mo. Believe me, I wanted to be there for you. Kaya pasensya ka na, ganun kasi ako magmahal."
Sobrang bigat sa loob, hindi ko na napigilang yakapin ng sobrang higpit si Diana. Iyak lang ako nang iyak.
"I'm sorry.." Sabi ko pa rito.
..
Bryan's POV
Kasama ko ang kaibigan kong si Sky sa isang club na minamanage ko dito sa states. Umaga pa pero umiinom nako. As usual.
"Asan na ba yung Jowa mo?." Tanong ni Sky.
"At home. Napuyat kagabi, dami niyang tinrabaho."
"By the way, kailan ka ba uuwi ng Pilipinas?. Kinukumusta ka ni Diana sakin."
"Just tell her I'm fine."
"Bakit di ka nalang tumulong sa kanya sa big time business niya?."
"Kaya niya na yun. Sa kanya nga pinamana diba?."
"Diba ikaw ang kuya?."
"Ako nga. Pero eto lang ako oh, bakla. Kaya binigay ng parents namin yung kompanya kay Diana is because may pamilya siya. May asawa at anak. Pag daw kasi bakla ang namamahala, baka ipanggastos ko lang sa mga lalaki ko ang pera."
"Grabe naman yan. Hindi naman siguro lahat."
"But I understand them naman. Talagang mas kailangan yun ni Diana. Bilib nga ako sa kapatid kong yun, daming sinakripisyo. Pati yung pagkatao niya."
"Anong ibig mong sabihin?."
"Let's just say, talagang minalas ang mga magulang namin dahil nagkaanak sila ng parehong ganito. Katulad natin,baliko."
"Teka teka,si Diana--"
"Yup. You heard it right. Atin atin lang to ah. Dati talaga may girlfriend yan."
"Seryoso? Baka echos echos lang yan ah. I mean matagal tagal din kaming naging classmates noon, hindi ko naman napansin na you know. As in never talaga. Ang alam ko talaga may something sila nung Dino."
"Naku, cover lang yun. Ang totoo talaga, si Franki yung mahal nun."
"Wait lang ah, sinong Franki?. Yung anak ng principal o--oh I know which one. THAT Franki."
..
Franki's POV
KINABUKASAN
Maganda ang gising ko dahil sa wakas, nasagot narin ang maraming katanungan. Mahal pa rin pala ako ni Diana. Yun lang naman ang mahalaga eh.
Kaya lang, may asawa lang na sabit. Oo nga pala, may anak pa. Pero hindi naman problema si Dylan. Siguro naman matatanggap din niya ako para sa mommy niya.
Alam kong mali pero mahal ko talaga eh,mahirap pigilan yun. Ilang taon ko ngang pinigilan pero wala namang nangyari. Maaga akong pumasok sa opisina.
Nagdedaydream lang ako of being with Diana nang may biglang kumatok.
"Bukas yan." Pumasok ang secretary kong si Mildred.
"Good morning po ma'am."
"Good morning Mildred."
"May lalaki pong naghahanap sa inyo sa baba. Ken Gil daw po. Papapasukin po ba dito?."
"Ken Gil?. Wala akong kilalang Ken Gil."
"Ate nyo raw po nagpapunta sa kanya rito."
Tsk. Ate talaga, kahit kailan. I just rolled my eyes. Ito ata yung sinasabi niya saking irereto niya. Ate naman eh, may Diana na.
Yun lang, may Dino na si Diana.
Pero ako ang mahal niya.
Franki, hindi nga kayo pwede.
Pero dahilan ba yun para magmahal nalang ako ng iba?
YOU ARE READING
About A Girl (FRANKIANA)
FanfictionTwo of Asia's top successful women are from the Philippines. Frances Margaret Russell (owner of the Russell Gifts Inc.) and Diana Cariaga Mackey (new owner of Mackey Jewels). In an interview aired Nationwide, these two competing company- owners were...