Franki's POV
Sumama sakin si Ken sa farm. Gusto niya daw kasing gumawa ng documentary about how our product is made. Especially the chocolate bars.
May dala dala siyang camera to take pictures and videos of the environment, people and the cacao tree.
"You mentioned about this secret someone na nagbibigay sayo before lagi nung cacao and flower seeds yesterday. Both of you planted it first sa bahay nyo hanggang sa lumago na and naisipan mong gawing business nung talagang kailangan nyo na ng pera. Asan na ba yung taong yun? Ano ba talagang nangyari sa inyo?." He's recording it on video.
"We became each other's ALMOST." Malungkot kong sabi.
Thinking about it pa ngalang naiiyak nako. Pero tuloy parin kami sa paglalakad paikot sa farm.
"Bakit almost? Bakit naudlot yung love story nyo?."
"Well, some things should end early before it becomes more complicated."
"Mahal mo ba siya?."nagvivideo parin siya.
"Oo naman."
"Mahal mo pa rin ba?."
"Bakit may ganung tanong? Haha." Lihis ko nang tingin.
"Sounds like yes to me."
"It's a no. Hindi ko na siya mahal, at saka masaya na yung tao."
"Paanong masaya?."
"May pamilya na siya. At saka kailangan mo rin bang e document pati tong personal conversation natin?."
"Oh sorry hehe. Don't worry, ekacut ko naman lahat yung parts na medyo personal." Lagay nito ng camera sa bag niya.
"Tita Franki!." Masayang bati ni Miracle habang tumatakbo siya palapit sakin para yakapin ako. Pamangkin ko, anak ni Ate Soph.
"Baby. Wala kayong klase ngayon?."
"Wala po. May sakit kasi si Teacher. Sino po siya Tita Franki?." Turo niya kay Ken.
"Ah siya si Tito Ken mo. He's my friend."
"Friend lang?." Bulong ni Ken sakin. Nagbibiro lang naman siya pero siniko ko parin siya.
"S-sabi ko nga friend. Friendship's nice. Hello Baby. Hindi mo na ata ako naaalala. Ako yung pumunta dati sa inyo to buy koi fish from your mom. Miracle right?." Sabi ni Ken sa bata.
"Oh yeah. That bad guy who talked about frying Mr. Frankinwinnie alive. Bad customer." Inis na sabi ni Miracle.
"No baby hehe I'm not a bad guy, I'm just really joking."
"That's not funny at all." Parang dito palang hindi na sila magkasundo. Sabi nila pag ayaw ng bata sa lalaking possible mong maging boyfriend, hudyat na yun na hindi talaga siya para sayo.
"But he's just a fish. We are humans. We eat fish." Laban ni Ken sa bata. Major turn off. Pumapatol sa bata.
"But not Mr. Frankinwinnie."
"No, even Mr. Frankinwinnie. He's a bad fish, he bit my finger. Look."
"You're a liar, fishes like him don't bite. He doesn't bite people at all."
"Okay okay. Uhm we're still in the farm and people are looking at us. Ah food. Nagugutom ba kayo? Tara, kain muna tayo."
Kaya ayun kumain muna kami. We went to our nearby rest house, nagpaluto ako ng carbonara and fried chicken. Miracle only ate carbonara while Ken ate the chicken.
"You know Tita Franki, guys who are not practicing a healthy lifestyle would surely be a terrible husband." Sabi sakin ni Miracle.
"And kids that are too talkative are going to hell." Masamang tingin ni Ken sa kanya.
"That's not true. Liars like you will."
"Okay. Can we just please eat peacefully here? Uhm Ate Goreng, pwede po pahanda rin ng one bowl of salad, any soup and fries. Thank you po." Sabi ko lang sa caretaker namin dito sa bahay na sya ding nagluluto for the visitors.
"Sige po ma'am. Will be ready in 15 minutes."
..
Diana's POV
Umiyak lang ako nang umiyak dito sa hospital kasama si Dino. I just held his hand.
"Dino, anong gagawin ko? Mahal ko parin siya. Pero hindi ako makasariling ina o asawa. Alam kong mali tong nararamdaman ko. Na hindi pwede. Kaya lang araw araw nang nagiging miserable ang buhay ko. I can't even stand her being with someone else."
Kriiiing. It's my secretary calling.
Hello ma'am Diana, umalis na po si Mr. Ponce. Babalik pa po ba kayo.
Pinunasan ko agad ang mga luha ko.
Ah oo. Siguro mamaya pang hapon. May inasikaso lang ako. Yung stocks natin pala, na release na?
Opo ma'am. Sya nga po pala ma'am, dalawang araw nalang po Valentine's day na. Mr. Ponce suggested na magbaba daw po tayo ng presyo o kahit po 10-20% discount. This season lang naman po ma'am.
Sige. Let's see ah--20% for married customers sa couple jewelries natin, 10% for boyfriend girlfriend, 10% din sa mga single.
Po? Diba po it's about celebrating their long lasting love? Ba't po kasali yung sarili?
Syempre, pano ka matututong magmahal kung hindi mo unang natutuhang mahalin ang sarili mo?. We celebrate all types of love here, hindi lang sa mag-asawa o magjowa.
Okay po ma'am. Noted.
Sige, basta ikaw nang bahala mag inform sa store managers about the sudden change of price. Sa Valentine's day lang naman. Pagkatapos nun, balik ulit sa dati. Sige bye.
End of conversation.
Lumabas ako at pumunta sa isang lugar malayo sa mga tao, sa isang bangin kung saan kita mo ang napakagandang view sa baba.
Namiss ko ang ganitong buhay. Yung payapa lang. Dati, gusto ko talagang dalhin si Franki dito pero hindi na natuloy dahil sa mga sunod sunod na unfortunate events.
Bakit siya pa ang minahal ko ng sobra sobra? Bakit hindi nalang si Dino? Kasal kami at may anak. Babae si Franki at hindi kami kailanman magkakaanak. Wala ding guarantee na magiging masaya kami pag siya ang pinili ko. Kasi pag siya ang pinili ko, posibleng maging miserable ang buhay ni Dylan. Bubullyhin siya ng ibang bata at dapat lang na andyan si Dino bilang ama sa kanya 24/7.
Nung una kong nasilayan si Dylan, I promised him one thing. That I will give him a complete family. Masaya naman kaming tatlo nung una hanggang sa nangyari to kay Dino dahil sakin.
Kasalanan ko tong lahat. Pinagsisisihan ko yun bawat araw ng buhay ko. Kung pwede lang magpakalayo layo na kami para hindi na ulit ako matuksong balikan si Franki, kaso sobrang hirap ding gawin yun.
YOU ARE READING
About A Girl (FRANKIANA)
FanfictionTwo of Asia's top successful women are from the Philippines. Frances Margaret Russell (owner of the Russell Gifts Inc.) and Diana Cariaga Mackey (new owner of Mackey Jewels). In an interview aired Nationwide, these two competing company- owners were...