XIAYE'S POV
HIIIII!!! Xiaye Prestigian here!
What a day! Nandito na kami ngayon sa classroom namin na nag-aayos ng gamit. Tapos na ang klase at this whole last subject, wala si Alicia. Huh... Saan kaya yon?
"Oy Christian! Nakita mo si Alicia?"
"Kayo tong mga magkasama kanina tapos di mo alam kung saan?"
"Sungit! Tinatanong ka lang tapos nagsusungit ka na!" Sabi ko saka na kinuha ang bag ko at bag ni Alicia saka na kami lumabas.
Pagpunta namin sa gate, nakita ko ang buong mga kasama namin except kay Alicia. Ngayon mas weird na ang Alicia na yon, saan ba nagpunta?
Pagdating namin sa kanila lilinga-linga sila na mukhang hinahanap si Alicia since wala pa siya dito at hindi namin siya kasama.
"Nasaan si Alicia?" tanong ni kuya Allen at Prince Lance nang hindi nila magawang mahanap si Alicia. Hayst.... Mahabang tanong toh panigurado.
"Yun nga eh.... Simula nung last subject namin, wala siya... Ewan nga namin kung nasaan eh" sabay na sabi namin ni Christian kaya nagkatinginan kami. Si Thristan naman ay parang namangha at bumilog ang labi nito.
Napansin naman namin ang mukha ni Prince Lance na may parang inaalam. Ilang sandali ay bigla siyang napatingin sa buong Loyal Highschool saka siya naglakad papasok ulit.
"Oy kuya! Saan ka pupunta?!"
"Dito ka lang kasama sila... I think I know where Alicia is"
Sabi ni Lance matapos siya pigilan ng kapatid niya.
Tumakbo siya papasok sa Campus at naiwan kami doong nakatingin lamang sa pinasukan niya.
O_o??? Eh saan nga ba si Alicia?
~~~~~~~~~~🌷~~~~~~~~~~
LANCE'S POV
Tumakbo ako papasok muli ng Campus matapos naming malaman na hindi pumasok si Alicia sa last subject nila. Parang alam ko kung nasaan siya at parang dinadala ako ng paa ko doon? Aba ewan!
Pero alam kong konektado sa pag-uusap ni Theo at Alicia kung bakit wala si Alicia sa last subject niya. Positive ako doon.
Pagdating ko sa rooftop, nakita ko ang nakatulog na Alicia. Nakatulog na toh dati tapos ngayon matutulog pa? Aish... Antukin.
Nilapitan ko siya at yinugyog pero ayaw gumising. Sigawan ko kaya? Ahy bahala na.
"ALICIA!!! GISING!!!"
Pagsigaw ko, sumalubong sa akin ang kamao ni Alicia na nagising sa gulat. Damn! Saktong mukha ko yon! Sh*t!
"Ha?! Ano?! Sino ka?! Ipis?! Saan ang ipis?!" tuloy-tuloy na sabi ni Alicia at natigilan nung makita ako sa sahig na hawak ang ilong ko. "A-Ahh ikaw pala Lance----teka! A-Anong ginagawa mo diyan?"
BINABASA MO ANG
PID 2: That Day I Fall For You
Teen FictionA boy who never believed in love. A boy who never think love could exist. But one person will change his thoughts. One girl with different personality. A kind of girl he never seen before. A girl who will teach him how to love. A girl who will be th...
