TDIFFY [2]

1.2K 41 1
                                    

LANCE'S POV

Pumunta na kami nila kuya Allen at ate Silvy sa 4th year building at dumiretso sa bulletin board. Napatingin ako sa classes namin at mukhang may diperensya.

Noble Class 1-A
- Allen Tsukasa

Noble Class 1-B
- Lance Luviñia-Servien
- Silvy Vanaya Zendelia

Mukhang mag-isa si kuya Allen. Kung nagtataka kayo sa Classes namin, maraming pinagkaiba ang Highschool sa College.

Sa Loyal College, naba-base ang year mo sa Class number. Kung Noble ka at 1st year sa college, nasa Class 4 ka, sa 2nd year naman ay Class 3, 3rd year is Class 2 and 4th year ang Class 1.

Sa highschool, it has big difference. Class 1-A to C kapag magaling ka sa academics and sports. Class 2-A to C kung sa academics ka lang magaling. Class 3-A to C kapag sports ka magaling. Pare-pareho ang Classes through 1st year to 4th year.

I know, nakakalito ang Loyal School. Isang school lang dapat ang Loyal Elementary, Highschool and College at kilala sila bilang Loyal Academy pero dahil sa pagiging hiwalay ng lugar, nahiwa-hiwalay sila at napangalanan ng Loyal Elementary, Loyal Highschool at Loyal College.

"Sayang... Kung pwede lang kaklase natin si Allen noh?"

"Tch! Type mo lang sabihin mo"

"Ano?! Hindi ah!" sabi niya at umirap lang ako. Like WALANG FOREVER kaya wala ako sa oras sa mga love na yan.

Pumasok kami sa classroom at naupo ako sa pinakalikod habang si ate Silvy ay nakaupo sa 2nd row. Mas matanda nga si Silvy sa akin only in 5 months! February siya at ako ay July.

Since June ngayon, next month pa birthday ko.

Tatlong babae naman ang tumayo sa harap ko. Tinignan ko lang sila ng up and down saka ako napatingin sa mga pagmumukha nila. Mga mukhang paa.

"Hi Prince Lance! I'm Kristine Viores" pagpapakilala ng nasa gitna. Naglahad pa siya ng kamay pero napatingin lang ako sa kanya. "Oh! Haha! Ito pala ang mga friends ko, siya si Sandy Azuare tapos siya si Miah Diaz" sabi pa niya pero hindi ako nagsalita saka ako ngumisi na ikinatigil niya.

"Wala akong oras sa mga babaeng katulad niyo kaya kung pwede lang, magsilayas kayo sa harapan ko! I don't need such sluts like the three idiots like you" malamig kong sabi at lahat ng nasa classroom ay natigilan. Mga higad, ang lalandi.

Umalis ako ng classroom pero alam kong hindi ako sinundan ni ate Silvy dahil ine-entertain siya ng boys namin.

Pumunta ako sa classroom ng kapatid ko dahil ako ang magbibigay ng baon niya. May 3,000 pesos akong dala at tig-1,500 pesos namin. Ayoko na dinadaya ko ang kapatid ko at mas lalong ayoko na DINADAYA nila ang kapatid ko. Oo lagi kaming nag-aaway ni Hannah pero kapatid ko pa rin siya at tungkulin kong protektahan siya.

PID 2: That Day I Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon