LANCE'S POV
Papauwi na kami ngayon. Nagbabasa ako ng comic book well you know na ang genre, love.
Si Kenji naman, kanina pa tahimik, di nga kami pinapansin ng dalawang araw na eh. Ewan ba namin kung ano ba problema ng isang toh.
Si Gabby naman, pinapansin kami pero di pinapansin si Kenji na parang wala lang sa kanya.
Sila Thristan at Christian naglalaro na naman ng Mobile Legends. Si kuya Allen, nagbabasa ng lessons. Ang girls naman pinapanood yung practice namin sa Role Play nung kumanta si Alicia. Speaking of, ayun siya sa gilid nahihiya at nananahimik.
Tumabi ako sa kanya na ikinatingin niya sa akin.
"Oy! Ba't di ka sumama sa mga troops mo?"
"Nakakaasar kasi sila eh... Kala mo naman ngayon lang nakakita ng babaeng kumakanta"
"Hahahah! Di ka pa kasi nila naririnig kumanta eh... Ano na lang kaya kung buong school na ang nakakaalam bukas?"
"Isa ka pa! Di ka nakakatulong noh"
"Sorry na" sabi ko at siniko si Alicia na ngumiti ng labas pa ang ngipin niya saka nakibasa sa comic na binabasa ko. Natatawa pa kaming dalawa kapag nakakabasa kami ng kakulitan at katangahan ng dalawang bida da comic.
Naalala ko yung sinabi ni Alicia after nung matapos ang Confession Booth namin kasama sila Kristine at Theo.
"Nga pala.... Totoo ba yung sinabi mo na nagseselos ka?" tanong ni Alicia at napatingin ako sa kanya. Ayt oo nga pala.... Di ko nasabi, pero buti na lang di ko nasabi kasi vinideo ni Thristan. Pota, pinost pa.
"Ikaw? Totoo din ba yung sayo?" tanong ko at napaisip naman si Alicia. May panguso-nguso pa siya saka tumingin sa akin.
"Hindi" sabay naming sabi dalawa na nakapagpatigil sa aming dalawa. Ah so trip lang din niya. Sabagay, pretending lang kami.
Napatawa na lang kami ni Alicia na ikinatingin sa amin ng tropa.
Pagdating sa palasyo, nakita namin si Tito Larry at Tito Lucifer na kekembot-kembot sa harapng palace na parang masaya.
Nilapitan namin sila at kaya naman pala, makakasama sila sa Amusement Park bukas.
"Eh sino date niyo?" tanong ko at tinuro nila ang isa't isa. Eww, bromance. Parang sila Thristan at Christian lang.
Naglakad na kami papasok at sinalubong kami ni Tito Jett at Tita XiaXia na nanonood ng PBO.
Umakyat naman na kami sa sari-sarili naming kwarto nang may kumatok sa pinto ko. Nakabihis naman na ako at nagbabasa na lang ng comic. Kakaadik din eh.
Binuksan ko ang pinto at nandoon si Kenji.
"Oh Kenji... Naparito ka... May problema ba?" tanong ko at napatingin naman sa akin si Kenji nang may lamig sa mga mata.
BINABASA MO ANG
PID 2: That Day I Fall For You
Teen FictionA boy who never believed in love. A boy who never think love could exist. But one person will change his thoughts. One girl with different personality. A kind of girl he never seen before. A girl who will teach him how to love. A girl who will be th...