KENJI'S POV
Naglalakad kami dito sa hallway pabalik sa classroom namin. Nahiwalay na din kami kay ate Silvy, kuya Allen at Lance dahil sa kabilang building sila.
Doon naman nakita namin sila Jake na naka-antay sa labas ng pinto sa classroom at napatingin lang kami sa kanila. Nilapitan ni Jake si Alicia at palinga-linga pa saka niya hinawakan ang kamay ni Alicia at hinalikan ito.
"As I was saying princess----"
"Ehem Mr. Filadelfia... Didn't your parents taught you not to touch someone else's property?"
"Watch your mouth Elite heir! Or else I'll----"
"Or else what?" singit namin ni Christian at Thristan at pinatunog ang mga kamao namin. Umiling lang si Jake, Marco and Keifer saka sila nagsipasok sa classroom.
Nagsipasok na din kami saka naupo. Katabi ko si Christian at Thristan at a kabilang row katabi ko lang si Xiaye na katabi si Gabby, Hannah at Alicia. Sa harap nang seat naming tatlo, nandoon sila Jake.
Mukha kaming espiya ni Lance kung tutuusin.
Dumating na din ang teacher namin at nagturo na. Patuloy sa pagsulyap sila Jake kila Alicia at ang ginagawa namin, sinisipa seats nila.
"Since it's the first day of school and I'm your music teacher, each of you show your talents" sabi ni teacher at nagsipalakpakan naman kami. Nagsimula kami sa boys. Mostly boys ay nag-rap at kokonti ang sumayaw at kumanta. Kumanta si Thristan at Christian while nag-draw naman ginawa ko sa blackboard.
Next is girls. Nagpakilala sila tapos talent. Si Xiaye talent niya is break dancing. Si Gabby and Hannah ay dancing din. Si Alicia, kumanta.
Natapos ang music class at dumating naman na ang P.E teacher namin. Lalaki siya at binigay niya lamang ang schedules namin sa P.E then nakipag-kwentuhan sa amin about sa class lessons and activities.
Unlike Loyal Highschool, Loyal College don't have clubs.
Wala ang last teacher namin kasi nasa meeting siya. First day na first day eh. Tch!
"Alicia----" naputol ang sasabihin ni Marco nang casually niyang lalapitan ang girls at humarang kaming tatlo na boys.
"Wag niyo istorbohin ang girls! Mind your own businesses" sabi ko at si Thristan at Christian naman nagbigay nang nakakalokong ngiti kay Marco na bumalik sa seat niya. Dumaan naman ang class nila Lance sa room namin na mukhang papunta sa library.
Nag-thumbs up sa akin si Lance at nag-flying kiss kay Alicia. Sigh lovebirds. Kung si ate Silvy nandito, walang problema kay Jake kasi lalayuan niya talaga si Alicia.
Habang nagtuturo si teacher, panay bigay nang papel si Jake kay Alicia at panay hablot naman ako at pinupunit yon. Minsan aangal siya at tatayo kaming tatlo dito.
Natapos ang class at time na para sa uwian. Dali-daling tumayo si Jake at pupuntahan sana si Alicia nang iharang ko ang paa ko at natisod siya.
Tumayo kaming tatlo nila Christian at Thristan sa natisod na Jake at tinignan siya.
BINABASA MO ANG
PID 2: That Day I Fall For You
Teen FictionA boy who never believed in love. A boy who never think love could exist. But one person will change his thoughts. One girl with different personality. A kind of girl he never seen before. A girl who will teach him how to love. A girl who will be th...
