ALICIA'S POV
Nakatingin lang ako sa Lance na nagla-laptop. I really really hate him! Why did I even bother na turuan sa love ang low gets na prinsipe na yan?!
Pumunta ako sa wifi signal sa may tv saka yon ini-off saka siya natigilan. Nanonood kasi siya ng End Game eh sa youtube pa naman kaya nawala at nag-loading kasi sa hina.
Napatingin naman sa akin ang loko at nganga na pinakita ang signal ng wifi niya.
"Ba't mo ini-off?"
"As far as I can recall, ikaw mismo nagsabi na may lessons tayo... So tara, sa study hall tayo"
"I finally regret saying that"
"Nangyari na! Ewan ko ba kung ano pumunta sa utak mo at pina-stay ako at naiwan kasama kayong boys! Butler, please masabi sa maids na ipaghanda na lang kami ng meryenda after 3 hours" baling ko sa butler at yumuko naman ito at umalis.
Kinaladkad ko naman na si Lance papunta sa study hall at pinaupo sa chair at saka ako pumunta sa bookshelves at kinuha ang book na nilagay ko doon. My book of love na kung saan lahat ng love whereabouts ay nandodoon.
Pumunta ako sa kinaroroonan ni Lance at napansin ko ang binabasa niyang libro. Mukhang hindi naman yon yung binigay ko sa kanya, that's so odd.
"Mukhang bago yan ah? Saan mo nakuha?" tanong ko at sumilip. Chapter 6 na siya, mukhang bagong basa niya pa lang. Pero imbesna makakuha ako ng sagot, napatalon siya sa gulat at madaliang sinarado ang libro at binaba yon.
"W-Wala! Bigay lang yan"
"Nino?"
"Yung c-classmate ko na mahilig sa l-love, he-he-he"
"Ahh... Okay" sabi ko na lang. Napatingin pa ako sa title at mukhang isa siyang lovestory. Mukhang nag-aadvance sa lesson si Lance para di maka-lesson. Hehe! Nakalimutan niya na siguro ang second operation.
"Nga pala, start na tayo sa second operation... The problem is, walang babae tayong magagamit"
"Oh edi ikaw"
"Ulul! Operation: Courtship na tayo"
"Huh? Eh ano ba ang courtship? Ano yun basketball?" tanong niya at bumuntong hininga naman ako. As usual hindi niya alam ang meaning ng courtship. Pero pinagtataka ko, paano niya alam ang tungkol sa mga jowa kung hindi niya alam ang love?
BINABASA MO ANG
PID 2: That Day I Fall For You
Teen FictionA boy who never believed in love. A boy who never think love could exist. But one person will change his thoughts. One girl with different personality. A kind of girl he never seen before. A girl who will teach him how to love. A girl who will be th...