LANCE'S POV
Nagising ako dito sa cottage at bumangon na. Napatingin ako sa oras at 9:00 na ng umaga. Tagal ko natulog ah.
Bumangon na ako at naligo saka lumabas at muntik na ako mapadulas sa hagdan nang makita ko ang isang yate. Nakita ko sila Hannah na papaakyat pa lang sa yate at nandoon na sila Alicia.
"OY LANCE! Bilisan mo diyan iiwan ka namin!" tawag ni kuya Luciel at agad naman na ako pumunta sa kanila at sumakay na ako ng yate. Pumunta ako sa may railings at tinignan ang view ng dagat.
Nagsimula naman na ito umandar at lahat sila ay pumunta na dito at pati si Alicia. Hinawakan ko siya sa baywang saka kami parehong tumingin sa dagat.
"Oy! May swimming pool dito! Tara swimming tayo!" napalingon kami sa likod nang magsaya si Tito Jett at Tito Andrew. Yep, may swimming pool nga.
Nagsipalit naman na kami ng pang-swimming namin saka kami nagsitalon sa pool. Binabasa na namin ang isa't isa at since may slide, nag-slide si Hannah at nadaganan ako.
"Plano mo ba akong lunurin?!" sabi ko sa kanya na umahon sa tubig. Tumakbo na lang siya paalis saka ako napatingin kay Alicia pero wala na siya.
"Guys! Tignan niyo!"
Napatingin ako sa may railings at nandoon si Alicia na may tinuturo. Pumunta kami doon at nakakita kami ng anim na dolphins na patalon-talon.
Kung dati sa Ocean Park lang kami nakakakita ngayon, totoo na.
"Wag lang sana balyena ang magpakita at baka lamunin tayo" sabi ni Silvy at siniko ko naman siya. Si Tita Avanty naman natakot sa sinabi ng anak niya. Ahahahaha!
Nandito lang kami pinagmamasdan ang sea creatures habang ang iba ay nasa pool at nagbabasaan.
"Everyone! Have some" sabi ni Tita Shaniah at may hawak na tray of juice. Nagsikuha naman kami saka kami nagsiupo atsaka lahat ay nagkwekwentuhan.
"Hmm! Dad! Kapag graduation, can we celebrate doon sa Zoo restaurant na pinuntahan namin? I promise maganda doon" sabi ko at napatingin naman sa akin si dad and mom. Matagal na naming naiplano na dalhin ang parents namin doon eh. It's a waste kung di nila makita yon.
"Sure... I wanna see where is your date venue"
"Actually dad, FIRST DATE!"
"I know, kami nga ng mom mo, ang First Date namin is nung na-hospital si Tita Shaniah at nag-confess sila ni Tito Kestrel"
BINABASA MO ANG
PID 2: That Day I Fall For You
Teen FictionA boy who never believed in love. A boy who never think love could exist. But one person will change his thoughts. One girl with different personality. A kind of girl he never seen before. A girl who will teach him how to love. A girl who will be th...
