ALICIA'S POV
Nagising ako sa sikat nang araw. Pagbangon ko, nagulat ako at nahulog sa higaan nang makita si Lance na nagbabasa ng pocket book sa harap ng higaan ko.
"What the hell?! Pano ka nakapasok huh?!?"
"Spare key" tipid niyang sabi saka na tumayo at kinuha ang bag niya na nasa sofa at ang bag ko---wait! Ba't pati bag ko?
Agad ako bumangon at naligo saka nagbihis at nag-ayos na ng sarili. Nagmadali akong bumaba at pumunta sa dining hall. Nandoon na sila at nasa likod ni Lance ang bag ko at bag niya.
"Teka nga! Ba't pati bag ko hawak mo?" wika ko pero di siya umimik at nasa pocket book lang niya. Nagbibingihan na naman siya eh. Aish.
Tinusok-tusok ko ang noo niya hanggang sa mairita. Di naman nagtagal at nairita siya saka tinignan ng masama si Hannah na nanahimik.
"Nai-post kasi ni ate Silvy nung magkahawak kamay kayo ni kuya nung operation niyo sa mall... Rumored na sa school"
"HAAAAA?!?!!!"
Para akong nawalan nang kaluluwa nang marinig ang sinabi nila Hannah. R-Rumored?
Nag-serve naman na ang maids ng almusal at nanahimik lang kami. Isa naman sa mga butlers namin ang nagdala nang laptop at merong sinagot na video call. At ito ang bumungad sa amin...
"Wahahahahahaha! Kyeopta!!!"
Bungad ni Tita Lucy nang masagot ang call nila. Napatakip na lang kami ni Lance nang mukha saka patuloy na kumain. Goddamn.
*Kyeopta means cute*
"Young man! Naging proud kami sayo!"
"Argh! Bakit ba lahat kayo na-misunderstood?"
"No young man! Wag mo na i-deny! Halata oh!" sabi ni Tito Hades saka pinakita ang post ni ate Silvy na naka-tag pa sa amin ni Lance.
"Tito Hades, operation po namin yan eh"
"Huh?"
"Part po ng activity ni Lance sa love studies niya" paliwanag ko at napakurap-kurap sila. Nagsenyas si Tito na mag-antay saka sila umalis at bumalik naman kaagad.
Nag-usap na lang kami at nagkaroon pa daw ng problema si Tito Hades sa mangyayari sa amin sa school. Hindi naman kami umimik pero si Tito Jett ang sumagot.
BINABASA MO ANG
PID 2: That Day I Fall For You
Teen FictionA boy who never believed in love. A boy who never think love could exist. But one person will change his thoughts. One girl with different personality. A kind of girl he never seen before. A girl who will teach him how to love. A girl who will be th...
