TDIFFY [3]

1.2K 40 8
                                        

ALICIA'S POV

Nag-ring na ang school bell namin kaya nagsi-ayos na kami ng damit saka naman may lumapit sa akin na lalaki.

"Alicia, gusto mong sumama mag-lunch?"

"Ah su----eh?" natigilan ako nang bigla na lang akong hinila ni Kenji at Christian na ikinatigil ko. Napatingin ako sa kanila pero pokered face lang sila.

Si Xiaye naman ay pumaharap saka hinawakan ang kanang balikat ng lalaki. "Sorry pero sasama sa amin si Alicia" nakangiting sabi ni Xiaye saka na nila ako hinila palabas.

"Christian!"

"Wah! Thristan!"

Sabi ng kambal at nagyakapan mismo sa harap namin. Makikilala namin kung sino si Thristan or Christian based on their voices. Pareho sila manamit at mag-ayos ng style ng buhok pero iba sila ng boses. Mabilis lang sabihin, hehe.

Pumunta naman na kami sa canteen at nakasalubong namin across the hall si Lance, ate Silvy at si kuya Allen.

Nagsipasok kaming lahat sa canteen at pumunta sa original place nila Hannah kapag kumakain.

"Kuya! Pwede mahingi ng 500?"

"Binigyan kita ng 1,500 ah"

"Ginastos ko yung 500 eh"

"Saan naman?"

"Pagkain"

"Magdusa ka" sabi ni Lance saka siya nag-order. Nagmukmok naman si Hannah pero naglahad ako ng 500 sa kanya na ikinatigil nilang lahat.

Nagsimula kaming kumain saka kami masayang nagsisikain ng tatlong babae ang pumunta sa place namin at mukhang kilala nila si ate Silvy at si Lance.

"Hi Lance... Yayain ka sana namin na mag-lunch sa table namin"

"Thanks but no thanks"

"Come on! Masaya don!"

"One word! AYOKO" sabi ni Lance at tinignan sila ng masama kaya umalis na lang sila. Tumingin pa sila sa akin ng masama na ikinataka ko.

Napatingin ako kay Lance na nasa harap ko at nanliliit ang mga mata niya na nakatingin sa kanila. Napatingin naman siya sa akin saka ako umiwas at kumain na lang. Kahit kailan talaga, masungit siya.

Matapos ng lunch namin, pumunta muna kami nila Hannah, Xiaye at Gabby sa library saka kami nagsimulang nag-review. Ganito kami ka-studious, Top Student kasi ako sa dating school namin at gusto kong panatilihin yon.

Nakita ko naman yung babaeng pumunta kay Lance at sinisilip kami sa likod ng isang bookshelf. Taas kilay naman akong tumingin doon at nagtago na sila. That's weird.

Bumalik kami sa park kung saan nandoon lahat ang boys kasama si ate Silvy na kinukulit si kuya Allen.

Naupo naman ako sa tabi ni Kenji saka sinabi sa kanya ang nakuha ko sa library sa next subject namin. Narinig ko naman na suminghal si Lance kaya napatingin ako sa kanya, which reminds me the girl.

PID 2: That Day I Fall For YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon