TDIFFY [32]

577 21 5
                                        

HANNAH'S POV

Nagising ako sa tunog nang alarm clock ko. Pagbangon ko naalala ko kung nasaan kami. Agad ako pumunta sa banyo at naligo saka nag-suot nang uniform. Unlike our parents' generation, nagsusuot sila nang casual clothes.

Matapoa non, pumunta ako kay Gabby saka siya yinugyog. Roommates kami ni Gabby eh. Di naman kami katulad ni kuya Lance at Alicia na engaged na.

"Waah! Gabby! Gising! Huy! First day of college na!!!" yugyog ko kay Gabby na napapakamot sa ulo na bumangon. Seriously kung si Kenji nanggising dito, sigurado akong makakarinig kami nang sigaw.

Bumangon na si Gabby at pumasok sa banyo. Lumabas naman na ako at kinalabog lahat sila. Then lastly, pumunta ako sa kwarto ni kuya Lance at Alicia. Kumatok ako pero walang sumagot.

Dumating naman na ang mga kasama namin at nagpunta sa akin. Kinatok namin sila pero wala pa ring sumagot. Binuksan ni Kenji ang pinto at natigilan kami nang makita si kuya Lance na kayakap sa higaan si Alicia at natutulog.

"No wonder walang sumasagot... Himbing nang tulog nilang dalawa eh" satsat ni Xiaye at sapat na yon para makagawa nang ingay at magising ang dalawa. Nakatingin sa amin si kuya at nakatingin lang kami sa kanya. Tapos bumalik si kuya sa pagtulog.

Ilang sandali....

"Wait what the?! Anong ginagawa niyo dito?!?" pagbangon ni kuya na ikinagising na din ni Alicia at sinipa si kuya paalis sa higaan at bumati tapos tumakbo papasok sa banyo.

Napatingin naman kami kay kuya na hawak ulo niya at masamang nakatingin sa amin.

"Alam mo kuya, kung hindi pa kami pumasok, baka di na namin kayo magising, first day namin dito kuya! Maawa ka! Hanggang dito pa rin ikaw dahilan kung bakit male-late kami" sabat ko saka ako napa-krus nang kamay. Napa-irap na lang si kuya at lumabas at ginamit ang paliguan ni Kenji at kuya Allen saka naman siya sinundan nang boys.

Kaming girls na naiwan dito ay inantay si Alicia na lumabas. Nakabihis naman na siya na lumabas at nagsuklay na lamang sa labas saka nag-ayos. Lumabas naman na kami saka bumaba para antayin ang boys.

May kumatok naman sa pinto at binuksan yon ng butler dito at bumungad sila Ariela at Colten.

"Good morning guyz!" bunganga na naman ni Colten. Tumayo naman ai Xiaye at naki-fist bum kay Colten at nakipag-tawanan. Si Gabby naman, nilapitan si Ariela at nagkwentuhan.

Bumaba naman na ang boys at kumaway sa kanila si Colten at bumaba naman na sila agad. Si Kenji, nagpalusot makuha lang si Gabby, si Christian naman nagsusungit na inagaw si Xiaye.

Si kuya Lance naman, well...

"Male-late na tayo!" hila niya kay Alicia saka sila naunang lumabas sa dorm.

Sumunod na lang kami at pumunta na sa Campus. Sa gate pa lang, nahagip na namin ang parents namin.

"Hey!!!" kaway ni tito Jett sa amin at nagsitakbo kami papunta sa kanila. Lumapit din si Colten at Ariela at nag-bow sa kanila especially to mom and dad.

PID 2: That Day I Fall For YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon