ALICIA'S POV
Nandito ako sa hallway at nagbabasa ako ng libro habang naglalakad. Umaga pa lang at hindi pa naman nag-start ang classes at galing kasi ako sa library.
May nakabangga naman ako at napatingin ako sa taong yon at hihingi sana ng sorry nang mapansin ko kung sino iyon.
"Tutok kasi sa libro eh"
"Oh Lance"
"Hm? O siya, ano yung Second Operation mo?"
"Eh?" natigilang sabi ko. Tulak na tulak siya ngayon sa lessons. Mukhang may long gone student na ako. "Later on lunch maybe sasabihin ko" sabi ko saka na nagpaalam.
Aalis na sana ako kaso nga lang, hinawakan ako ni Lance sa wrist ko kaya napatingin ako sa kanya. Seryoso siyang nakatingin at may determinasyon ang mata. Desperado talaga sa gagawin toh.
Hinarap ko siya saka ako bumuntong hininga. "Mamayang lunch na lang okay? Marami pa akong gagawin" sabi ko at dahan-dahang tinanggal ang kamay niya.
Naglakad na ako papunta sa classroom ko pero may humarang sa daraanan ko.
Napatingin ako doon at nandodoon ang grupo ni Kristine. Nagtaas kilay naman ako hanggang sa magsalita si Kristine.
"Heh! Hi Alicia"
"Hi?"
"So... Kamusta kayo ni Prince Lance?"
"Nothing much.... Ba't mo natanong?"
"Wala..." sambit niya saka sila nagtinginan ng dalawa niyang kasama. Si Sandy at Miah. Medyo nag-lean in pa siya saka dumiretso sa tenga ko at may binulong. "Wag na wag mong susubukan na agawin sa akin si Lancw dahil kahit na heiress ka, baka may magawa ako sayo't pagsisihan mo pa" bulong niya na nakapagbigay sa akin ng kilabot saka siya ngumiti at umalis.
What was that for? Tinatakot niya ba ako? Or more like pinagbabantaan?
"Anong sinabi niya sayo?"
Napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko. Napatingin ako doon at nakita ko naman si "Kenji?" sabi ko nang makita siya.
Nag-usap naman kaming dalawa habang papunta sa classroom namin. Kinuwento ko din yung sinabi ni Kristine kanina saka niya ako sinimulang asarin. Masabi ba namang nagseselos sila sa akin. Anong ikakaselos nila eh ni wala ngang namamagitan sa amin ni Lance.
Nakarating kami sa classroom at sakto naman na may dala si ma'am na manila paper. Nanlaki naman ang mga mata namin ng makita kung ano yon. It's the Official Student Council Officers! Ang Campus President ay si kuya Allen, Vice President naman si ate Silvy at mukhang nakapasa naman si Christian sa Campus Auditor.
![](https://img.wattpad.com/cover/208136623-288-k441923.jpg)
BINABASA MO ANG
PID 2: That Day I Fall For You
Teen FictionA boy who never believed in love. A boy who never think love could exist. But one person will change his thoughts. One girl with different personality. A kind of girl he never seen before. A girl who will teach him how to love. A girl who will be th...