TDIFFY [1]

2.3K 71 4
                                    

LANCE'S POV

*KNOCK*KNOCK*KNOCK*

"Kuya! Pinapatawag tayo ni dad sa throne room!" dinig kong sabi ni Hannah mula sa labas ng kwarto ko. Ako nga pala si Lance Luviñia-Servien, panganay na anak ni Queen Lucy at King Hades Luviñia-Servien.

"Oo! Nandyan na"

"Bilisan mo! Inaantay ka ni Gabby!!" sigaw ni Hannah at naasar naman ako. Tinutukoy niya kasi yung anak ni Tito Andrew at Tita Giselle. Wala talaga akong gusto kay Gabby, sadyang inaasar naman kasi ako nun. At ewan ko sa kapatid ko kung bakit bigla niya na lang pinagkalat na may gusto ako kay Gabby.

Dali-dali akong lumabas at pabagsak na binuksan ang pinto. Nandoon si Hannah na naka-peace sign.

"I see... Kapag si Gabby ang binanggit lalabas ah... Patay na patay ka dun eh noh?"

"I'm not! At bakit ba iniisip mo na crush ko siya?! Wala akong panahon sa mga love na yan" sabi ko at pinagkrus ang mga kamay ko.

"Ano ba yan! Kakarating lang namin eh nag-aaway na naman kayo"

Napalingon kami sa nagsalita at nandoon si ate Silvy, anak ni Tita Avanty at Tito Sean, pinsan siya ni Kenji, anak ni Tita Shaniah at Tito Kestrel.

Napakamot na lang sa ulo si Hannah at ako naman ay nag-walk out. Mas matanda sa amin si ate Silvy pero mas mature ako mag-isip, I'm not assuming in anything, sinasabi ko lang ang totoo.

Nauna na akong pumunta sa throne room at nandoon si mom and dad na may kausap na apat na tao. Napalingon sila sa akin or should I say amin dahil dumating na din sila Kenji, Silvy at dumating na din si Gabby, Xiaye at ang mga magulang nila.

"Hi Hades!!" salubong ni Tito Andrew kay dad pero siniko siya ni Tita Giselle at nanahimik ito at yumuko. "Hello King Hades" sabi ng mga Tito at Tita namin atsaka kami lahat naglakad papunta doon.

Marespeto naman kasi si Tita Giselle sa royalties at isa ang Quartaños, Montermoso at Prestigian sa Grand Families. May dalawa pang Grand Families at sabi ni mom sa amin, makikilala namin sila soon.

May nakabangga naman sa akin at mapapadapa sana ako nang hilain ako ng dalawang kamay patayo. Nakita ko ang dalawang kambal na poker face na nakatingin sa akin.

"Sorry, Prince Lance... Di namin sinasadya" sabay na sabi ng dalawang kambal. Hindi ako maka-react agad dahil sa sabay na isip at galaw pati na pagsasalita ng kambal na ito.

"Lance! Hannah! Halikayo't ipapakilala ko sa inyo ang two Grand Families" tawag sa amin ni mom atsaka kami pumunta doon.

PID 2: That Day I Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon