TDIFFY [5]

916 41 4
                                        

HANNAH'S POV

Nasa classroom kami at sa ngayon, nasa loob ng classroom namin ang nominees ng Student Council. Every year kasi, may botohan para sa Student Council slash Campus President hanggang muse. Ang problema lang, ang Campus Prince at Campus Muse ay decided ng buong school.

Pumasok naman ang unang group of nominees at himala, naging nominee si Christian bilang Campus Auditor. Eh si Thristan, nasa tabi ko na nabulunan, kumakain siya eh.

"POOF!!! Christian?!"

"Hi bro!"

"Mr. Verzosa! Keep quiet!" suway ng teacher namin kay Thristan. Napatawa na lang ako ng palihim. Si Gabby naman ay umiling-iling na lang.

Sino bang hindi magugulat lalo na't hindi alam ni Thristan na magra-run ang kambal niya noh.

Nagpakilala naman na ang lahat atsaka isa na doon si Christian. Halos mailang nga si Thristan sa mga tingin ng classmates namin nung magpakilala si Christian, titig na titig sila sa kanya.

Umalis naman na ang group nila Christian at dumating naman na ang next group at this time, kami nila Thristan at Gabby ang nagulat.

"Good afternoon Noble Class 1-A! We are the Elite Group! We are hoping for all of you to vote us and we'll promise to make this school a success" sabi nilang lahat. Hindi pa rin kami makapaniwala sa nakikita namin dahil sa sumali. And the holy mother of foods! Nag-nominee pa sila sa highest spot!

"My name's Allen Tsukasa, heir of Tsukasa Grand Family, nominee for SC President and I will try my best to succeed and make our school a better place" pagpapakilala ni kuya Allen at pumalakpak naman ang mga kaklase namin. Hindi na ako umimik kasi hindi talaga mag-malfunction ang utak ko. Sigurado ako kapag andito si kuya Lance, sasabunin niya na ng tanong tong nominees na toh.

"Silvy Vanaya Zendelia! Hi! Running for nominee of Campus SC Vice President! I'll do everything that I can to prove each and everyone that I can change our school to peace and better achievements" pagpapakilala naman ni ate Silvy. Like don't tell me, partner sila ni kuya Allen in work? Ano kaya reaction nila Tita Avanty at Tito Sean kapag nalaman nila ang pinaggagawa ni ate Silvy?

Matapos lahat silang magpakilala, umalis na sila at nag-start naman na ang adviser namin na magbigay ng form paper para mag-vote. Syempre nag-vote naman na ako sa at binoto ko naman si kuya Alken, ate Silvy at si Christian. Ang sama ko naman tsaka mapagkakatiwalaan naman sila bilang officers eh.

Nakarating ako sa last part ng form at mukhang ito ang muse at prince. Sino bang magandang i-pair? Ah! Alam ko na! Hahaha!

***

PID 2: That Day I Fall For YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon