Hi! Naka-publish ulit ako mga readers ko! Anyway, feels like na-miss niyo sila Alicia at Lance pero yung binalik ko eh sad return... Sorry... Wala tayo magagawa kasi desisyon ng isip ko. Anyways, haha! Enjoy the story!
LANCE'S POV
Natigilan na lang kami sa back stage habang nagpapalit kami sa dressing rooms. Nagtataka kami kasi napalitan yung script. Nawala yung kissing scene at yung pagpapakilala ng King sa prince sa prinsesa bago nangyari yung dukutin siya ng dragon. Mabilis ang nangyari.
Nilapitan ko naman ang mga presidents saka ko sila kinausap. Aba eh sino ba naman hindi magtataka eh nagkanda-hirap kami na i-practice yon kahapon.
"Bakit nag-iba yung script?"
"Ah... Sabi ni Ms. Tsukasa, di niya daw kaya yung ibang parts kaya tinanggal namin at dinagdagan ng iba"
"Oh okay" natitigilang sagot ko na lang. Napatingin ako kay Alicia na nakikipag-usap kay Kenji na nag-apir pa sila.
Dumating naman si Kristine. Actually, girlfriend ko na si Kristine pero ang totoo, walang kami. Sa tingin niya meron pero nagpapanggap lang ako. For the sake of Kenji and Alicia.
"Hon! May performance pa kami ni Sandy and then manood ka ha? You said pa naman pupunta tayo sa Amusement Park na bagong bukas" masayang sabi ni Kristine. Ginagamit ko lang din siya as long na hindi niya na din sasaktan si Alicia.
Ngumiti naman ako saka ko hinaplos ang buhok niya. Umalis na siya kasama si Sandy at pumunta naman na kami ni Miah sa front seat para manood.
Nagsimula naman na ang performance nila. Cheerleading performance kasi yan eh. Si Sandy at Kristine ay binuhat tapos hinagis sa ere at sinalo din.
Nang matapos yon, isang usok naman ang pumasok sa stage at dumilim ang paligid. Napatingin ako sa paligid at bumukas ang spotlight sa gitna ng stage.
Doon nakita ko si Theo at ang acrobats na nagpe-perform at nagbukas na muli ang mga ilaw.
"Wow! Ang gagaling nila!"
"No wonder mag-ex sila ni Alicia.... Pareho silang magaling"
BINABASA MO ANG
PID 2: That Day I Fall For You
TienerfictieA boy who never believed in love. A boy who never think love could exist. But one person will change his thoughts. One girl with different personality. A kind of girl he never seen before. A girl who will teach him how to love. A girl who will be th...