ALICIA'S POV
After Hannah's birthday, meron kaming semestral break sa school. Lahat kami ay nagsaya at napagplanuhan nila King Hades at Queen Lucy na magbakasyon kami sa Beach House nila.
Syempre lahat pumayag.
Nandito ako ngayon sa kwarto at hinahanda na ang mga dadalhin ko. Isang maleta lang naman since 2 weeks ang stay namin doon.
Nakasuot din ako ng white shirt na may printed words saka nakasuot ng maikling black shorts. Nag-slipper lang ako saka na ako lumabas at sinuot ang beach hat ko.
"Alicia! Tara na! Excited na mga kaibigan mo nagpapabagal ka pa" sabi ni mom at bumaba na ako ng hagdan. Nag-assist pa sa akin si Lance na buhatin yung maleta ko.
Nagsisakay na kami sa limousine saka nagsimula ang byahe. Habang papunta kami sa byahe, sinesermonan ako ni Lance.
"Dapat nag-dress ka na lang kaysa diyan sa kaikli ng shorts mo... Mamaya may kumuha sayo sa akin eh" reklamo ni Lance at lahat kami napatawa sa protective manners niya. Kinurot ko ang magkabilaang pisngi niya saka siya binigyan ng naaawa look ko.
"Don't worry... Wala nang space dito sa puso ko kundi ikaw lang" sabi ko at napa-aww naman sila except kay Tito Hades na ang sama nang tingin kay Lance.
Siniko naman ni Tita Lucy si Tito Hades.
"I'm just looking kung kanino namana ni Lance pagiging protective niya"
"Kanino pa ba? Eh nung dating lapit-lapitan ako ng students ikaw tong binabantaan sila na ipapa-drop out mo para lang di ako lapitan" sambit ni Tita Lucy at ngayon, nagbabangayan na sila Tito Andrew, Tito Jett at Tito Hades dahil sa past nila.
Si Tito Kestrel, ayun, busy sa asawa niya at kay Kenji. At peace si Kenji ngayon.
"Speaking of... Tito Kestrel, ano nangyari kay Tita Shaniah at Tito Andrew nung malaman nila ang about kay Gabby at Kenji?" tanong ni Lance at napatingin sa amin si Tito Kestrel saka may pinakita na video.
Grabe, ang sama nang titigan nila nung una pero bakit parang agad sila kinilig at nagkamabutihan?
"We're here!!!" sabi ni Tito Lucifer at nauna nang bumaba.
Bumaba na kami sa limousine at ibababa pa lang namin ang mga gamit, kumaripas na ng takbo si Xiaye, kuya Luciel at kuya Henry kasama si Tito Lucifer sa beach. Andito din ang asawa nila Tito Larry at Tito Lucifer.
BINABASA MO ANG
PID 2: That Day I Fall For You
Teen FictionA boy who never believed in love. A boy who never think love could exist. But one person will change his thoughts. One girl with different personality. A kind of girl he never seen before. A girl who will teach him how to love. A girl who will be th...