Ayra's POVPagkapasok na pagkapasok ko sa classroom ay biglang napatigil sa pagsasalita ang guro.
"Your late, Miss ". Mataray na sita sakin ng guro. Kalalaking tao, tsk
"Alam ko ". Sagot ko naman dito. Agad namang lumukot ang mukha nito.
"At Sir, Wag mo 'kong tawaging Miss. Nakakabawas ng angas". Pahabol ko pa bago siya talikuran at nagsimula ng maglakad papunta sa upuan ko
"Aba't bastos ka paring talaga MISS. Hindi ka siguro naturuan ng nanay mo ng mabuting asal". Rinig ko pang sabi nito. Sa tono ng pananalita nito'y sinadyang diinan ang Miss kuno at sa tanya ko'y nakangisi ito ngayon.
" Naturuan naman Sir Ruper ". Swabe ko pang sagot bago tuluyang maupo sa bangko. Napataas naman ang gilid ng labi ko nang makita kung paanong namilog ang mga mata nito't lumaki pa ang dalawang butas ng ilong.
( - -,)
Tsk. Pikon
"Talagang sinusubukan mo talaga akong babae ka! Sinabing Riuffer! ". Di naman ito magkamayaw sa kasisigaw .
"Wala ka bang galang ?!". Dagdag pa nito na halos makita na ang ugat niya sa leeg sa pagsigaw.
"Bakit? Ka galang galang ka ba? ". Swabe parin akong kumuha ng notebook at ballpen sa bag dahil may nakasulat sa pisara at karamihan sakanila'y tapos na itong kopyahin.
"Aba't! "
"Lima... Anim... Pito... Walo. Ano? Itutuloy ko pa ba hanggang sampu?". Nanunuya kong pagpatulo'y habang normal na nagsulat . Hindi naman nakaligtas sa pandinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko
"Walanghiya ka talag---!!!
"Bakit ako mahihiya? Eh hindi naman ako nagnakaw, pumatay o kung ano pa mang krimen. Hindi rin naman ako nakahubad para mahiya ". This time ay nakangisi kong sinalubong ng tingin ang galit na galit na pagmumukha nito.
" Saan ka ba nanggaling at kung makaasta ka'y akala mo kung sino ka! ". Impit na nitong sigaw at halatang nagpipigil na ito ng galit.
BINABASA MO ANG
The Four Princesses
Teen FictionApat na mga babaeng magkakaibigan. Kung iyong iniisip na silang apat ay mga prinsesa ng iba't ibang kaharian, nagkakamali ka.. Ang buhay nila ay musika. Isa silang grupo ng mga babaeng kumakanta at sumasayaw. Idols na kung maitatawag, maraming huma...