Naglalabanan ngayon ng tingin ang dalawang nakakatakot na nilalang na nakilala ko!
"Ayesha--
"Lumayo kayo....". Hindi na nakapalag pa si Ethan sa sinabi ni Ayra. Sa takot ng iba ay lumayo sila mula sa pagkakapalibot sa amin. Ngayon ay kaming walo nalang ang natitira sa gitna nitong green field.
"Ayra tama na. Tar--
"Ang sabi ko.... Lumayo... kayo...." . Walang emosyon at sobrang lamig na ngayong sambit ni Ayra. Napaatras nalang kaming anim. Lalapit pa sana si Larisse ngunit pinigilan na siya ni Ethan.
"P-pero... ". Umiling lang si Ethan at pinaatras si Larisse.
"A-nong g-gagawin nila....? ". Kinakabahang tanong naman ng isa pang kaibigan nina Ayra. Yung half japanese.
"Susunod tayo kay Ayra.... o madadamay tayo... You choose". Seryosong saad ko naman. Nag-aalala nalang itong napatignin sa dalawa na kapwa tahimik at seryosong nagpapakiramdaman sa galaw ng isa't isa.
Mula rito sa kinatatayuan namin ay napansing kong parang nag uusap ang dalawa. Nakaramdam naman ako ng inis dahil ko ito marinig dahil sa layo namin.
Maya maya pa ay walang sinuman ang nakagalaw at nakalapit ng biglang umatras si Tristan at pumusturang makikipaglaban. Nanatili namang kalmado ngunit seryosong nakatayo si Ayra.
Maya maya pa ay pigil ang hininga kong pinanood ang dalawang maglaban.
Akmang susuntok si Tristan sa tiyan ni Ayra ngunit swabeng umiwas lang ito. Ngayon naman ay tinadyakan ni Ayra ang isang paa ni tristan at napasinghal naman ito sa sakit.
Dumistansya naman si Tristan at wala pang limang segundo ay nalapitan na agad siya ni Ayra. Akmang susuntok si Ayra kaya napayuko si Tristan at dahil hindi tinamaan ni Ayra si Tristan ay napasuntok lang ito sa hangin. Ginamit ni Tristan ang pagkakataong iyon para tuluyang matadyakan ang likod ng kalaban dahilan para mapasubsob ito sa lupa.
"Ayra!! " , "Ayesha! ". Sabay na sigaw naman nina My loves at Ethan. Dahil hindi ko kayang masikmura ang labanan ay mariin akong napapikit.
Maya maya naman ay narinig ko ang mga sigaw at singhap ng iba kaya napadilat rin ako agad.
Halos nanlaki naman ang mga mata ko ng saktong pagdilat ko ay ang pagkasuntok ni Ayra sa mukha ni Tristan!
Napaatras naman si Tristan at di pa man nakakabawi mula sa pagkakasuntok ay pinaulanan siya ng suntok ni Ayra na dali dali naman niyang sinangga.
Mukhang sawa na si Tristan sa pag iwas kaya tumakbo ito papalayo. Mukhang may sinabi pa ito kay Ayra dahilan para nagmamadaling habulin siya nito! Halos lahat ay di pa masyadong nakaka recover mula sa pagkagulat kaya wala agad nakasunod sa dalawa.
Takte.... Sana panaginip lang 'to.....
"Tara! ". Namalayan ko naman ang sariling sumunod narin kina Ethan na tumatakbo narin papasunod sa dalawa. Napatigil naman ako ng ilang metro ang layo mula sa dalawa. Nandito kami sa Cafeteria!
Naabutan naming nasa taas ng isang table si Ayra at napatalon ito papunta sa isa pang mesa ng ibato sakanya ni Tristan ang isang upuan. Mabuti nalang at di ito tinamaan! Takte!! Nakakabawas ng dugo ang panoorin sila!!
" Awatin na natin! ". Napatango naman si Taki kaya dali dali kaming tumakbo papalapit sa kinaroroonan ng dalawa.
BINABASA MO ANG
The Four Princesses
Teen FictionApat na mga babaeng magkakaibigan. Kung iyong iniisip na silang apat ay mga prinsesa ng iba't ibang kaharian, nagkakamali ka.. Ang buhay nila ay musika. Isa silang grupo ng mga babaeng kumakanta at sumasayaw. Idols na kung maitatawag, maraming huma...