Ayra's POVHapon ngayon at katatapos lang ng last period namin. Uwian na pero marami paring studyante ang nagkalat rito sa labas.
"Gutom ako, Ayra. Kain muna tayo sa cafeteria ". Nakangusong saad ni Larisse kaya tinawanan nanaman siya nina Lyn at Avy , dahil mukha raw itong unggoy pag nakanguso.
"Patay gutom , tsk ". Gulat na napalingon ito sa akin at humarang sa dinaraanan ko.
"Ha! Nagsalita . Eh ikaw ang mas marami ang kain sa'ting dalawa " mayabang ang pagkakanganga niyang aniya.
"Prrrrrrt!! Stop na yan ha ". Napatingin naman ako kay Avy na may hawak na whistle.
Bumalik naman si Larisse sa gilid ko kaya nagsimula na ulit kaming maglakad.
Nasa unahan namin sina Lyn at Avy."Ok so dadaan lang tayo sa cafeteria . Bilisan mo nalang bumili ng pagkain , Lala girl ". Pahayag naman ni Lyn habang naka poise na naglalakad.
"Huh? Eh saan tayo niyan? Uuwi agad tayo? Maaga pa naman. Alas tres y medya palang naman " . Nagtatakang sagot pa ni Larisse.
"No, silly. May nakita ako kaninang garden. Doon muna tayo girls. Tapos nood tayo mamaya ng magpeperform ok?". Napatango naman si Avy at rinig ko rin ang pagsang ayon ni Larisse.
Sa bungad palang ng cafeteria, kapansin pansin na kokonti lang ang studyante rito.
"Ba't konti ang tao rito , Ayra? Di ba sa oras na ito dapat puno natong cafeteria? "
Naguguluhang tanong ni Larisse. Walang emosyon ko naman siyang tiningnan.Ba't ako lagi tinatanong nito?
"Tsk"
"Ay wow, salamat. Naintindihan ko na kung bakit wala sila rito. Sobra " sarkastikong usal niya at kitang kita ko pa ang pag ikot ng mga nito.
Tsk. Hindi ko sila kaano ano para alamin kung nasaan man sila, tsk.
" Bahala sila sa buhay nila". Sagot ko nalang. Mukhang napaisip nanaman ito dahil bigla itong natigilan. Maya maya pa ay napasimangot ito, mukhang naintindihan na ang pinupunto ko.
"Ay talaga? Hahaha! Lyn! Kausapin niyo nga tong si Ayra. Ang tino niyang kausap. Sobra ". Aniya sabay lakad para bumili ng pagkain niya. Hinintay naman namin siya rito sa malapit na table.
BINABASA MO ANG
The Four Princesses
Teen FictionApat na mga babaeng magkakaibigan. Kung iyong iniisip na silang apat ay mga prinsesa ng iba't ibang kaharian, nagkakamali ka.. Ang buhay nila ay musika. Isa silang grupo ng mga babaeng kumakanta at sumasayaw. Idols na kung maitatawag, maraming huma...