Larisse's POV
"Ate, ayoko nga! Hinding hindi na 'ko babalik sa mala-impyernong bahay na 'yan! " . Sa kabila ng inis ay unti unting namuo ang luha sa mga mata ko. Ang akala ko ay huling tawag na niya kanina. Biglang tumawag ito ulit kaya lumabas nanaman ako.
"L-larisse... "
Mabilis na in-end call ko ang tawag ng marinig ang boses na 'yon. Nagmamadali naman akong lumakad para bumalik na sa loob dahil magpe-perform pa kami,
Ngunit natigil ang paghakbang ko ng hilahin niya ang isang kamay ko at mabilis na pinaharap sakanya. Mabuti nalang at walang tao rito sa labas dahil lahat nanonood sa loob, kaya walang makakakita sa'min.
"Larisse please... N-napapagod na'ko... Comeback now.. P-please comeback to m-me.. "
"Bitiwan mo 'ko" mariing usal ko sabay kabig ng kamay ko. Mabilis ko siyang tinalikuran. Pero biglang nanubig nalang ang aking mga mata ng maramdaman ang mahigpit na yakap niya mula sa likod.
" L-love.. P-please..sabihin mo sa'kin... bakit ka g-ganyan..ano bang nagawa kong k-kasalanan...? itatama ko. Itatama ko lahat, just please b-bumalik ka na sa'kin.." mariing ipinikit ko nalang ang mga mata ng mas hinigpitan niya ang yakap.
"Wala kang gagawin, Daylan" inis pa akong napapamura habang pilit kumakawala sa mga yakap niya.
"Ano ba ang hindi mo maintindihan sa salitang ayoko na? Na hindi na'ko babalik pa? ha? ".
Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko sa yakap niya. Pero hindi na ito maari pa. Hindi na.
"Ayaw mo lang ba na makulit ako at isip bata? S-sige magtitino na ako, loves. Bumalik ka lan--
Biglang bumalot sa buong katawan ko ang inis!
"Ganyan ka na ba katanga, Daylan..." halos pumiyok ko pang usal... walang emosyon kong tinitigan ang kawalan,
"Ganyan ka na ba katanga para humabol pa sa taong ayaw na?!!Buong pwersa akong nagpumiglas para makawala lang sa kanya, pero hindi ko parin nagawa dahil mas hinihigpitan niya lang lalo! Arrggh!!!
"ETO NANAMAN TAYO DAYLAN EH! AYOKO NA NGA DAYLAN ! A.YO.KO. NA! TAPOS NA TAYO! ANO BANG MAHIRAP INTINDIHIN DUN HA????!!" hindi niya inaasahang tataasan ko siya ng boses kaya biglang lumuwag ang higpit ng kanyang yakap.
BINABASA MO ANG
The Four Princesses
Teen FictionApat na mga babaeng magkakaibigan. Kung iyong iniisip na silang apat ay mga prinsesa ng iba't ibang kaharian, nagkakamali ka.. Ang buhay nila ay musika. Isa silang grupo ng mga babaeng kumakanta at sumasayaw. Idols na kung maitatawag, maraming huma...