Chapter 16

17 13 3
                                    


Avy's POV

Nandito kami ngayon sa Parking lot at naglalakad na kami papasok sa entrance ng School. Hihihihi.... Ang saya nga kasi maaga kami ngayong papasok sa klase.

"Omagash girls, finally. Hindi tayo masesermunan ng teacher because of being late". Iniikot ikot pa ni Lyn ang kakaunting dulo ng buhok niya gamit ang daliri niya

"Hahaha! Oo nga noh? Akalain mo yun". Syempre hindi mawawala ang matabil na si Larisse . Pero shhh!! Dapat hindi niya malamang sinabihan ko siya ng matabil hihihihi.

"Tsk". Oooppss! Syempre hindi rin papahuli ang dakilang 'tsk' ni Ayra hahahaha.

"Mabuti rin kasi walang Haley na mambubully kay Ayra" sabi ko naman na may ngiti sa aking labi.

"Huh? Why girl? " .Ang kaninang naka angklang braso ni Lyn kay Ayra ay ipinulupot naman ngayon ni Lyn sa braso ko.

"Ang sabi sabi ng mga nakasalubong natin kanina ,nasa Hospital raw si Haley. Sa clinic nga dapat nitong school siya gagamutin pero umiyak siya dahil gusto niya sa Hospital magamot ang cut sa labi niya".paliwanag ko naman. Kawawa nga siya eh.Siguro masakit ang pagkakasuntok ni Ayra sakanya.

"Anong?! Hahahahaha! Maliit lang na sugat sa labi isinugod na sa Hospital?! Bwuahahahahaha! Ang arte pucha! " napatakip naman ako ng kamay sa tenga dahil sa sobrang lakas ng boses ni Larisse. Halos mamatay matay pa siya sa pagtawa. Si lyn naman ay pasimpleng tumawa lang.

"Ano ba Larisse. Hinaan mo nga boses mo, hindi ka ba nahihiya?. Tsaka, kawawa kaya si Haley dahil mukhang masakit talaga ang pagkakasuntok ni Ayra".Eto talagang si Larisse, sa halip na kaawaan si Haley tinawanan pa, tsk tsk tsk.

"Eh bakit ba ako mahihiya?Hindi naman ako nakahubad o nagnakaw para mahiya hahahaha! ". Agad ko naman siyang inalalayan dahil mukhang matutumba na siya sa sobrang pagtawa.

"Hahaha! Tsaka anong kawawa?! Eh mabuti nga yon dahil sa pagtawag niya ng malandi kay Ayra at sa mama ni Ayra!". Napatango tango naman si Lyn sa sinabi ni Larisse. Napalingon naman ako kay Ayra na blanko ang mukhang nakatingin lang ng diretso sa daan.

The Four PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon