CHAPTER 04

6K 319 245
                                    

SA MGA oras matapos ang hindi ko maintindihang banta ni Timothee na iyon, tanging sunod-sunod na pagsusuka ng mga kaibigan ko ang naririnig ko. Sabay pang nagkalat sa sink si Viel at Ysa na ikina-iling ko na lamang, tapos ay bumalandra na rin sila sa sahig para matulog, katabi si Cean at Jester na bagsak na rin.

Napalingon ako nang magmura ng malutong si Harden na kalalabas lang ng comfort room, wala na itong damit pang-itaas at gulo na ang buhok, pawis na pawis pa dahil siya ang huling sumuka. Nagyabang pa nga iyan na last man standing siya, but then there's Timothee who went out for fresh air, pero tipsy na rin, kakabalik lang din dito sa loob.

Sa tingin ko, matibay naman sa inuman itong mga 'to, sadyang pinaulanan lang sila ni Timothee ng alak kaya ganito ang tama sa kanila ngayon. Halo halo pa iyon.

"Reeva, kape ka ba? Bakit? Kasi maalon sa dagat," wala sa sariling baling sa akin ni Harden.

Kumunot tuloy ang noo ko dahil hindi ko iyon masyadong naintindihan, pero mas nabigla ako nang dumeretso siya sa tabi ko at humiga sa akin; ang ulo niya ay nasa kandungan ko habang prenteng nakalapat ang katawan niya sa sofa. I heard groans, probably from Timothee who's trying to figure out if he's drunk or sober now.

Nagkagulo tuloy ang pagproproseso ng utak ko kung ano ang unang gagawin. If this guy's trying to pull his actions to me just because he is drunk— petty reasoning. Kahit kailan ay hindi 'yan lulusot.

"Harden, get off of me," I tried, calmly.

"Reeva.. what do you think of me?" his eyes were closed as if he does not know what he's doing. Napairap tuloy ako at sinubukang iangat ang ulo niya mula sa pagkakahiga.

Ang bigat naman!

"Harden, pwede ba.. umalis ka dyan, hindi ako kumportable."

"Sakit ng ulo ko. Iuwi mo na 'ko, Reev.. if it's you, I'm always free to go, please.." he crossed his arms over his chest, obviously ignoring what I just said.

"Abusado," bulong ni Timothee, at wala pa mang ilang segundo ay bumagsak sa sahig si Harden, malamang hinila niya ito sa pants, kaya naman dumeretso ang ulo sa tiyan ni Jester na wala namang reaksyon.

Nakahinga ako ng maluwag, ngunit doon ko rin naramdaman ang matinding sakit ng ulo. Hindi naman ako gaanong uminom dahil hindi rin ako masyadong binibigyan ni Timothee, napansin niya rin siguro na ayaw ko dahil panay ang tanggi ko sa kantyaw ni Ysa at Viel. Pero kahit ganoon, nakainom pa rin ako at hindi ako malakas gaya nila, kaya naman tinamaan pa rin ako ng hilo.

Ito na nga ba ang sinasabi ko, e.

"Don't freak out, don't freak out," I heard Timothee again, sarili niya ang kinakausap niya, at halos mapatalon ako mula sa kinauupuan nang siya naman ang tumabi sa akin.

Malayo ang distansya dahil medyo mahaba naman ang couch at halos magkabilang dulo ang pwesto namin kaya naman nagawa ko pang tignan siya. Panay ang masahe nito sa ulo niya habang nakapikit at nakasandal, hilong hilo na rin siguro.

Iniwas ko nalang ang tingin ko lalo na nang mahagip ng mata ko ang mga daliri niyang tinatanggal ang pagkakabutones ng polo na suot niya. I don't wanna witness such thing. Pumikit nalang din ako at pinag-isipan kung paano matutulog, ngayong naka-fitted skirt pa rin ako at sigurado akong hindi rin naman ako makakatulog ng kumportable rito.

Kung bakit ba kasi nagpakalasing itong mga ito, akala ko pa naman makakauwi kami kahit late na.

"This fucking head.." muling bulong ni Timothee roon. Kusa tuloy akong napamulat at tumingin sa kaniya.

And without hesitation, I asked, "Timothee, tubig?"

Hindi ko alam kung bumagal ba o bumilis ang pagpatak ng mga segundo, dahil paglingon niya ay hindi ko na maramdaman ang sarili ko nang magtama ang tingin namin. Para akong lumutang sa alapaap.. hindi ko maintindihan, pero 'yung emosyon.. it was just stronger than me to avoid that gaze. His gaze.

WENT VIRAL [Rewritten]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon