CHAPTER 02

7.8K 389 419
                                    

HINDI ko alam kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko habang pabalik-balik ang tingin sa cellphone, hindi alintana ang init kahit alas dos na ng hapon at tirik na tirik pa ang araw.

Halos nasadsad ko na at naipatag pabalik ang lupa sa harap ng isang malaking plant box, iniisip kung ano ba ang mangyayari at kung bakit napakabilis ng oras ngayong Lunes.

"Reeva, hindi ka ba napapagod? Kasi ako pagod na pagod at hilong-hilo na kakaikot mo, ano bang problema't parang sinisilihan ang pwet mo r'yan?" puna ni Ysa sa akin habang nakahalukipkip sa bench, nakasimangot na pinapanood ako.

"Gusto ko nang umuwi, Ysa, mukhang hindi talaga sisipot 'yong Timothee Eyore na iyon."

Napatitig akong muli sa screen ng cellphone ko nang bumigay ang tuhod at mapaupo sa tabi ng kaibigan ko. Wala pa ring reply. Binasa lang niya at matapos iyon ay wala na kahit ano, ni wala nga siyang bagong post kahit na panay ang refresh ko sa timeline niya.. oo, nagmumukha akong stalker!

Pero dahil lang naman iyon sa imbitasyon ko sa kaniya para maiayos na ang problemang dinulot ng grupo nila, hindi ko naman alam na hindi ako nito papansinin.. dahil ba sikat siya? Pwes, wala akong pakialam!

Umirap ako sa hangin, "Famous freak!" I hissed, pressing the screen harshly.

"Baka naman kasi may sinusunod na schedule 'yung tao?" ani Ysa, hindi nakakatulong sa akin, "O, baka male-late lang ng kaunti, maghintay ka kasi!"

"Alam mo, sa lahat ng nakagawa ng kasalanan, sila 'yung ganito kapaimportante, hindi ko na kinakaya ang kapal ng balat nila para ganituhin ako," sambit ko, galit na galit na, "Sinisira nila 'yung reputasyon ko dahil lang sa video na 'yon! Hindi ako makapaniwala!"

Hindi ko na rin kayang ipagsawalang bahala 'yong mga titig at bulungan sa akin dito sa campus. May mga natutuwa at mayroon ding naiinis dahil sa inggit sa akin, ilang irap na ang natanggap ko mula noong kumalat iyon! Wala lang sigurong naglalakas loob na komprontahin ako dahil kaibigan ko si Ysa, pero kahit na!

Hindi pa rin talaga nakakatuwa ang atensyon na ibinibigay sa akin ngayon.. oo, gusto kong ma-expose, pero sa larangan ng mass communication iyon, hindi sa ganito kababang paraan!

This is the reason why I hate the rising influencers these days, kaya rin lumayo ako sa ganitong parte ng social media dahil hindi ko gamay ang walang kabuluhang pangyayari.

I prefer the heavy ones that talks about the political and justice system of this country, dahil mas mahalaga 'yon, mas mahalagang alam ko iyon kaysa sa katauhan ng mga Youtubers na 'yan!

"Hindi ka naman matatanggal sa president's list o sa kahit ano pa mang spot ang iniingatan mo, Reevamari, sa lahat ng halimaw ang utak, ikaw ang takot bumagsak."

Hindi ko alam kung bakit napakakalmante nitong si Ysa, e, kung tutuusin isa siya sa nakikita kong magagalit sa ganitong pangyayari, pero parang wala lang sa kanya ngayon!

"Sabi ko na, e. Ayan na siya. Daig pa ang artista!"

Napalingon ako sa nginuso niya at kusang umawang ang mga labi nang matanaw ko kung sino ang parating at pinagtitinginan ng halos lahat ng nasa paligid. Maging 'yong mga nagtr-training na miyembro ng NSTP ay napahinto pa, pati ang mga officers nila.. mukhang sanay siya sa atensyon kaya't diretso lang ang paglakad niya habang kausap 'yong isang estudyante, pinagtanungan niya yata.

WENT VIRAL [Rewritten]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon