CHAPTER 07

5.2K 270 219
                                    

"PANCAKE and iced coffee," iyon lamang ang tanging sagot sa akin ni Timothee noong itinanong ko kung ano ang ibinibigay niya sa akin.

Literal talaga ang sagot. Nakakairita.

Alas dos na ng hapon at hindi pa rin ako kumakain, hindi rin naman ako nag-almusal kanina kaya ramdam na ramdam ko ang gutom ko ngayon, lalo na't cravings ko ang iniabot sa akin ni Timothee— na hindi ko malaman kung bakit eksakto pa ang nabili niya.

Pero ayaw ko pa rin iyon tanggapin, duh! Baka maisip pa nito na sa fast food lang pala ako makukuha!

Tinaasan ko siya ng kilay, "O, tapos?"

"Nakita ko kung paano mo tignan 'yung anak noong applicant, 'yung kumakain ng pancake ng Mcdo, you're drooling over it. Kaya binilhan kita dahil mukhang iyon ang gusto mo. Unless, pati ako.." pasaring niya pa kaya't pinanlakihan ko siya ng mata.

Halos mapamura ako sa sinabi niya, grabe na talaga ang kakapalan ng mukha ng gagong ito!

"You already have the food, Reeva, don't waste it," sambit pa niya at inayos ang mga envelope na gulo-gulo dahil sa paghahanap ko ng files.

Tinignan ko nalang siya ng masama at in-scan ang mga pangalan ng mga nagpunta. Kung hindi siguro nag kwentuhan pa sina Timothee at 'yung counselor, e mapapa-aga ang uwi ko, nagtagal pa kasi kami ng ilang minuto roon bago niya iabot sakin ang files!

Akala niya pa ay girlfriend ako ni Timothee, mariin ko iyong itinanggi syempre, ipinipilit niya pang bagay na bagay kami. Yuck!

Kung ganito lang kagulo ang utak ng taong 'bagay' sa akin ay huwag nalang! Gusto ko man siya o hindi!

"Pwede bang umalis ka na? Tapos na ako, pwede ka nang umalis," tanong ko sa pinaka malumanay kong tono.

In reality, I would love to hit him with a pen!

"Nah." Hindi man lang siya tumingin sa akin at nagpatuloy lang sa pag-ayos ng files.

"You can, Timothee. Tapos na ako, huwag ka nang magpanggap na tinutulungan mo ako, you may now leave," medyo pikon na ako.

For all I know, he's just doing it out of conscience, kunwari pa siya! He's just trying to make it up to me because he did something terrible and he knew it! Talagang gusto pang bumawi ng gunggong, parang hindi nag-iisip. Ang tanda-tanda na!

"I said, I don't want to go, Reeva, okay? Ano ang mahirap intindihin sa ayaw kitang iwan? Paulit-ulit. Stop acting like a boomerang," inirapan pa ako nito kaya naman nanlaki ang mata ko dahil doon.

The nerve! Ang kapal talaga ng mukha! Wala na akong masabi!

"Timothee, literal na abala ka at ang mga fans mo! You don't need to help me, I can do it myself! Ano ba talagang intensyon mo?" iritang irita kong sabi sa kanya. "O, nilalamon ka lang ng konsensya mo? You're just annoying me even more and I won't forgive you no matter how you try to make it up to me!" I shot him again.

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga at bagsak ang balikat na bumaling sa akin. His eyes darted like he was so tired of me. Wow!

"Reeva, kumalma ka. I'm doing this because you won't believe my words. I'll just show you what I can do, okay?" simple nitong sagot na para bang hindi niya na kailangan pang pag-isipan iyon, damn, ako ang binibigyan niya ng iisipin!

Action speaks louder than words pa ang drama ng isang 'to!

"Whatever, Timothee. I won't believe your actions either!" umirap ako.

"Whatever, Reeva. You'll get tired of complaining but I won't be tired of trying."

Binato ko ang ballpen malapit sa kaniya ngunit nasapo niya iyon at mahinang tumawa. Kung hindi lang ako galit sa kanya ay magw-gwapuhan ako sa itsura niyang iyon, e.

WENT VIRAL [Rewritten]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon