CHAPTER 01

12.9K 499 454
                                    

FOUR YEARS AGO, I had better plans for myself. Animo'y lahat ng bagay ay sang-ayon sa kung paano ko ito planuhin, at iyon ang kinasanayan ko.

At buong akala ko, mananatiling gano'n ang takbo ng buhay ko.. pero hindi pala. Kapag nabago 'yong mga plano dahil sa mga nangyayari, parang back to zero, parang blangkong papel na kailangan mo ulit sulatan at konektahin ang mga putol-putol na parte para lang magkaroon ng usad ang lahat. Para.. kahit paano'y mabigyan ng linaw.

Parang isang malaking scratch paper ang buhay ko. Maraming hiwa-hiwalay na detalye, may iba't-ibang linya, at mayroon ding magugulong parte.

"At last, we made it to the top!"

Nangingilid na ang mga luha ko nang i-on ang DSLR, hindi mapawi ang ngiti sa labi habang kinukuhanan ng mga stolen shots ang mga guest journalists.

"Worth it lahat ng pagod, puyat at pagbubunganga mo, Reev!"

Nakipag-high five sa akin si Ysa, my partner in everything, natawa na lamang ako nang ibaba ang camera at pinagpatuloy na ang pagpupunas ng lenses.

"Grabe 'yong feedback ng guests, feeling ko, mabango ang reputasyon natin habang buhay!" dagdag niya pa.

I chuckled. Halos mapunit ang pisngi ko sa sobrang lawak ng ngiti ko habang pinagmamasdan ang trophy na hawak ng isa sa miyembro ng grupo namin. Bukod pa roon ay malaking karangalan din ang pagpunta ng mga hinahangaan kong personalidad sa field ng Mass Communication o journalism industry.

In my entire college life, hindi ko inaakalang magkakaroon ng ganito kalaking event ang Communication department para sa on-screen showing ng documentaries namin tungkol sa societal issues. The organization made it possible so I reminded myself that I have to give my all. Ayaw kong napapahiya.

My group had to tackle a broad topic about hunger and poverty.. and that is extremely difficult but worth to handle.

A month of planning and almost two months in the field, with them, has brought too many realizations to me, mas lalo akong natulak na maging boses ng masa, napakarami pa talagang hindi naririnig na panaghoy ng mahihirap na siyang dapat pinakikinggan nitong mga nagbibingi-bingihan. Kaya isa sa pangarap ko ang makapag-volunteer para sa kanila, lalo na ngayong naabot ko na ang isag goal ko; ang marinig sila.

In this documentary, they were highlighted— their struggles are spoken and the situation has told everything. Maybe, this matter made this documentary reach the peak; it ranked number 1, bukod pa roon, ito ang napili na i-feature ng isang tanyag na station. Too overwhelming.

Natigilan ako sa pag-iisip nang mangibabaw ang matinis na boses ni Viel, nakita kong magkasama na sila ni Ysa, hindi ko man lang napansin. Nagtutulakan pa roon na parang mga sira.

"What's with the face? I'm here, kanina pa! I'm not late, 'no!" depensa niya nang makita ang reaksyon ko, "Anyway, congratulations! It makes me wanna trear the two of you! Where do you want to eat?" sabay yakap sa akin. "We can go na! The event's done!"

Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Viel, sa aming tatlo, siya talaga ang galante.. nakakapag taka lang na narito siya ngayon gayong kasagsagan rin ng requirements nila kaya nasabi niyang ganoon ang reaksyon ko. BSCE 'yan, madalas tuloy hindi maka-relate sa amin ni Ysa na BA Communication ang kurso.

"Syempre, doon sa dati! Sakto sa PMS cravings ko," humawak pa sa tiyan si Ysa. Napapangiwi ako pag nakikita kong panay ang bulungan at harutan ni Ysa at Viel habang kinakausap ko ang grupo para magpaalam na aalis na ako.

Nakakapagtaka ang closeness ng dalawang iyan ngayon, e, grabe 'yan sa bangayan! Diring-diri pa si Ysa kay Viel dahil nga medyo clingy ito. Ngayon ay halos magdikit ang mukha nila sa pag bubulungan!

WENT VIRAL [Rewritten]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon