CHAPTER 13

4.1K 205 27
                                    

"TIMO, let's wrap up, papunta na sila," ani Harden na hindi matanggal ang tingin sa kanyang cellphone.

Nagkatinginan kaming tatlo nina Ysa at Viel dahil hindi namin alam kung ano iyong tinutukoy. Timothee just nodded and stopped packing goods, sinundan ko siya ng tingin, nilapitan niya 'yong isang org leader at dinig namin 'yong usapan nila.

"The president will be here anytime with the media team, I hope you won't mention anything about the donation..." he seriously said.

"Pero alam nilang narito ka?" tumawa iyong babae. "Alam mo namang malakas pang amoy ng mga 'yon. Nagtataka lang ako, bakit sobrang affected nila sa inyo?"

Umiling si Timothee, halatang hindi gusto sagutin.

"Ah! Kasi social media personality ka! You have millions of followers... kaya pag gusto mong tumakbo, madali mo silang matatalo!" humalakhak pa 'yong kausap niya na para bang nakakatuwa iyon.

"I have no plans, but yeah, they know that I'm here so they brought their media team. And we were viral," Timothee took his phone, "Some individuals posted us on social media platforms. I don't like this, so we have to go..."

Napakunot ang aking noo. Mabilis na kinuha ni Ysa at Jester ang kanilang cellphone at tinignan ang pinag-uusapan sa social media.

"Shit! Puro pictures niyo ni Timo ang narito, Reeva!" napatakip ng bibig si Jester. "Lagot na! Pati ikaw makikilala na ng mga tao..."

"Huh? When you, guys, executed the banat challenge, she's already the talk of the town..." ani Viel, at dahil doon bumilis ang tibok ng puso ko.

Tinignan ko kung ano man 'yong nasa screen nila. Maraming sikat na pages ang nag post tungkol sa ginawa namin ngayon, pati na rin sa kagabi, binasa ko ang ilan doon...

They went straight to Batangas after their performance just to check and help the fire victims? Oh, I stan the right people!

Timothee Eyore revealed her girl last night and now he's with her to help. Lovely couple!

Saw them here at the evacuation center! They were very approachable but they refused to take photos with us. Sadly :(((

Pero may mga naka-attach na litrato roon na mga stolen shots namin, madalas kami lang ni Timothee, o minsan kasama si Harden, Jester at Cean, nahahagip lang sina Ysa at Viel sa frame. Napakagat ako sa aking labi, usap-usapan na naman kami.

Pero kung tutuusin, may advantage ako rito. Isang magandang halimbawa ito na pasok sa kurso at field na papasukin ko. It will be great to be involved in this movement, mayroong mababalandra kung sakaling uungkatin nila kung sino ako.

Pero para kay Timothee, sigurado akong iniisip niyang masamang bagay ito. Of course, if someone is watching him, they will think everything is just a stunt against them. Takot sila sa sariling multo. Kaya nakaka-awa si Timothee na nadadamay rito na kung iisipin, gusto niya lang naman tumulong at wala siyang pakialam sa mga taong tingin sa kanya ay kalaban.

I don't want him to stop this because somebody needs him. But I guess, these people will stop him. Narinig ko ang sinabi niyang pagt-take over sa ibang organization ng mga ginagawa niya, magbibigay nalang siya ng funds pero hindi na personal na mag-aasikaso, ganoon na rin ang gagawin sa mga orphanage at charity events na nasimulan niya.

"Let's go. The van's ready," hinawakan ni Timothee ang kamay ko kaya nagising ako mula sa aking iniisip. "What are you thinking? Are you okay?"

Ngumiti ako, "Oo... ayos lang naman. Nakita ko lang na usap-usapan na naman tayo—"

"I'm sorry," agad niyang sambit. "Naisip ko naman na pwedeng mangyari 'yon, but I still took you here. I'm sorry."

"Why are you sorry? Okay lang naman. It's not like it's a bad thing to be seen... doing all these stuffs. It's not a bad thing to be seen with you," I assured him. Napahinto tuloy kami sa tapat ng van nang kusa siyang tumigil sa paglalakad.

WENT VIRAL [Rewritten]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon