CHAPTER 08

4.8K 259 150
                                    

HINDI ako makatingin sa kanya, dahan-dahan pa ang pag sandok ko sa niluto niya. Siya naman ay abala sa pagtitig at bawat galaw ko ay pinapanood na para bang natutuwa siyang hiyang hiya ako sa harap niya. He chuckled when he saw me looking at him, I rolled my eyes when I sat down, playing with my spoon, hindi alam kung ano ang gagawin. Parang ayaw kong ngumanga para kumain dahil sa lalaking ito.

"Go, eat," aniya, "Para sa'yo lahat 'yan. Mayroon na akong tinabi para kay Mama.." binigyang diin niya ang huling salita.

"Nakiki-mama ka naman agad," pagtataray ko, "E, ikaw? Hindi ka kakain?"

"Hindi ako kumakain ng niluto ko, ewan.. parang nakakabusog habang nagluluto," he rested his elbow on the table and looked at me intently, "Ikaw.. ikaw ang kumain."

Tumango ako. Ayaw nang makipagtalo. Kahit gusto kong sabihin na siya dapat ang kumain dahil sumayaw sila kanina, ilan pang rehearsal ang nangyari bago ang mismong shoot. Kaya siguradong pagod at gutom ito, pero sabi.. busog.

Ilang minuto palang akong kumakain nang mapansin kong paubos na ang nakahain sa akin. Nahiya ako nang tumingin din siya roon, I saw him smirked like it was a confirmation that I loved the dish he cooked. Pinanood ko siyang tumayo dala ang bowl. Lalagyan ulit ng laman.

Sa totoo lang, bawat galaw niya ay namamangha ako, saka ko rin naalala na ganito ang role niya kina Cean, Harden at Jester.

Mula nang umalis daw si Cean sa probinsya nila ay si Timothee na ang tumayong guardian nito mula grade school hanggang ngayon. Gano'n din kay Harden, matapos umuwi galing U.S noong bata pa ito, napalapit na rin kay Timothee. At gano'n din si Jester na wala raw sa focus masyado ang parents dahil sa pagsusubok nito ng kung anu-anong business, si Timothee na rin ang naasahan niya sa lahat.

Nakakamangha naman talaga kung iisipin. Hindi naman gano'n katanda si Timothee pero umako na siya ng ganoong responsibilidad. Kaya pakiramdam ko talaga, sa edad niyang ito ay paulit-ulit kong naiisip na handa na siyang mag-settle anytime.

Kaya hindi ko rin maisip kung bakit ba siya nag-aaksaya ng oras sa akin.

"Care to share your plans after your OJT?" biglang tanong niya nang makabalik sa harap ko.

Nag-isip ako saglit habang umiinom. Bakit naman kaya niya tinatanong?

"Mas magiging busy siguro. Time for completion of requirements, then final examination naming mga graduating. Alin man sa dalawa, pwedeng mauna, pero I prefer my version. Para matapos ang exam, graduation ceremony nalang ang iisipin ko," I stated. "Kaunting kaunti nalang, makakapagtapos na ako.. with my soon to be hard earned laude. Ilang buwan nalang iyon."

Halos lumutang ako sa sarap ng pakiramdam habang iniisip na malapit na akong magkaroon ng diploma! Ngunit nakakakaba pa rin, dahil simula na ng tunay na buhay kapag nakalabas ka na ng paaralan. Naalala ko ang sinasabi ni Mama at Kuya, na kung may pagkakataon pa raw, mas pipiliin nilang mag-aral kaysa kumayod. Siguro ay mas maiintindihan ko iyon kapag nandoon na ako sa sitwasyon.

Sa ngayon kasi, sabik na sabik akong pumasok sa pinapangarap kong field. Journalism industry. Mula noon ay nakikita ko na ang sarili ko sa kahit anong posisyon, basta naroon ako sa gusto kong mundo. I know that I can give everything when I'm at the right place at the right time.

"Gustong gusto mo talaga iyon, ano? You're different when you talk about your dreams, nagiging kumportable ka kasi... you're passionate and you're genuinely happy about it." aniya habang nakangiti. Sumandal siya sa kanyang upuan at mas lalong lumalim ang titig sa akin.

Napangiti ako, "Oo.. mahal ko ang ginagawa ko, e. Lahat.. pagsusulat, pag-uusisa sa mga nangyayari, pangingialam sa kung ano anong bagay na dapat hindi naitatago sa likod lang, iyong mga ganoon, 'yung mga dapat naipapaliwanag kahit sa mga taong akala ng iba, mahirap paliwanagan, o hindi nakakaintindi kaya nilalamangan nalang.."

WENT VIRAL [Rewritten]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon