BAGSAK ang balikat ko nang itinulak ang pinto sa library na "pull" pala ang sign, hindi ko na rin alam kung pang-ilang buntong hininga ko na ito sa maghapon at mas lalong hindi ko alam kung bakit ang napakatamlay ko ngayon.. actually, mula pa noong nakaraan. Parang wala akong motivation o sadyang hindi lang umaayon sa akin ang lahat, parang ayaw gumana ng buong sistema ko.
Parang kulang ako sa tulog kahit na tulog naman ako nang tulog sa free time. Pag gising, magpapaka-busy ako sa pag-aaral, ayaw kong mabakante! Pero lamang talaga ang siesta ko, sa totoo lang.
Kung kailan ako graduating, doon pa tinamad sa activities, pero kahit ganoon ay syempre, I can't let my laziness linger.
"Kung bakit ba kasi ako ang representative? Kung saan pa 'ko mahina," napabuntong-hininga ako ulit nang maalala 'yong natanggap kong memo mula sa head ng department namin.
Dati masaya ako sa tuwing nababalitaan ito, pero ngayon parang ayaw ko. Ako na naman kasi ang napili para sa University Quiz Bee kalaban ang iba pang mga unibersidad, noon ay ako rin pero sa Literature iyon kaya hindi ako nagreklamo, kabisado ko ang pasikot sikot ng literatura. This time, sa History kaya naman ganito kabigat sa loob ko, mula noong elementary na HEKASI at Sibika't Kultura pa, pati noong high school na Araling Panlipunan at ngayong college, hindi ko talaga kasundo ang kasaysayan.
I am good at memorization but when it comes to this, I'm struggling. Ganoon naman talaga; when we have the strength, weaknesses will follow, but that doesn't mean you have to stop working on it. Strength comes from weaknesses, too.. hindi mo naman kasi malalaman na lumalakas ka na kung hindi ka panghihinaan muna.
"That's why I am here.." I whispered to myself, realizing that I should embrace the sharps, luminga ako para lang tanawin kung may iba pa bang tao.
Sa pagkakaalam ko kasi, walang gusto tumambay dito dahil masungit ang librarian, pero ngayon ay may iisang estudyante na naniningin ng libro. Because of the emerging technologies these days, hindi na masyadong napapansin ang mga librong narito, kadalasan ay sa ICT room na tumatambay, halos puro sapot na nga ang ibang libro na nasa likuran dito, ang mga nasa front row ay maalikabok na rin.
"Saan ko mahahagilap dito 'yung World War I and II books?"
Hindi ko kasi alam kung saan magsisimula rito, parang napakahirap naman halungkatin ang maalikabok na libro, pati tuloy sarili ko ay kinakausap ko na!
"Ah, if you're looking for old books.. you can find them there," may lumapit na irregular student sa'kin, hindi kasi siya naka-uniform pero may ID kaya sigurado akong irreg ito, itinuro niya 'yong bandang dulo ng library, "Nandoon lahat ng tungkol sa History, kalinya ang yearbooks."
"Thank you..." I gave him a small smile, he simply nodded but never diverted his gaze, nakatitig siya sa akin.. parang pamilyar ang isang ito, ah! Bumaba ang tingin ko sa kaniyang name plate ngunit agad siyang tumalikod nang mapansin, I only saw "Kieruvin" on it, napaismid nalang ako at 'di na iyon pinagtuunan ng pansin.
Akala ko kakilala ko na hindi ko na namumukhaan at hinihintay akong kausapin siya.. pero kasi.. mula noong nadikit ang pangalan ko sa mga lalaking iyon, parang naging parte na ng araw ko ang mga bulgar na tingin ng ibang tao sa akin, pati na rin ang pasimpleng pag-uusap nila. Siguro nga.. hindi ko na mabubura ang nangyari at habang buhay na iyong nakatatak sa akin.
Nakangiwi ako nang magtungo sa dulong parte ng lugar, nakatakip sa aking ilong ay dinampian ng hintuturo ng isa pang kamay ang bawat libro. Matayog ang divider, madilim pa sa banda rito, nakakatakot kung tutuusin ngunit may pumukaw ng atensyon ko.
I headed to where the shelves of yearbook can be found, it was nostalgic for some, even for my Mama.. dito kasi siya naka-graduate ngunit hindi na nakuha ang yearbook nila dahil wala silang pera noon kaya naman sa tuwing may event dito at imbitado ang mga magulang ay hindi siya papayag na hindi makadaan dito.
BINABASA MO ANG
WENT VIRAL [Rewritten]
RomanceAnonymous: "LOOK! A well-known student in the campus, a candidate for Magna Cum Laude named Reeva Cordova, the good girl and achiever, gets fucked in the balcony and in a dance studio real HARD by this sexy Youtuber, Timothee Eyore aka JYE_T.V., her...