KINABUKASAN, nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok mula sa labas ng kwarto namin. Alas siete palang pero ang lakas na mambulabog ng mga iyon!
"Reeva! Timo! Breakfast is ready!" si Harden iyon, kalos kalampagin pa ang pinto.
"Sige!" I shouted back.
Pumikit pa ako sandali dahil hindi pa rin umaalis si Timothee sa pagkakayapos sa akin. Nakadapa ito ngunit ang buong braso ay nakadagan at nakapalupot sa katawan ko.
Ramdam ko na matapos iyong nangyari kahapon ay parang naputol ang nilalagay niyang limitasyon sa aming dalawa, kung dati ay nakikita kong pinipigilan niya ang sarili, ngayon ay hinahayaan niya nalang na mangyari ang dapat mangyari. He'll say anything he wants, he's giving me fiery touches, and kissing me like his life depended on it.
Nag a-adjust pa rin ako dahil hindi naman ganoon iyon kadali, palaging may kung ano sa tiyan ko na nahuhulog dahil sa kaba. Kaya palaging awkward, at pakiramdam ko'y hindi na naman ganoon kaayos ang pakikipag-communicate ko sa kanya. Ano bang dapat gawin ko?
"Good morning," he greeted. "Can I get a kiss?"
Hindi ako makapag salita. What if mabaho pala hininga ko?
"Hmmm," I pretended to be sleepy, hindi niya naman makikita ang mukha ko dahil nakadapa pa rin siya.
"You're awake. You said 'sige' kay Harden."
"Yeah," I replied. "Ah!" nagulat ako nang bigla siyang pumwesto sa itaas ko. "Ano ba!"
"Gorg," he commented, staring at my face. "I love you."
Hindi niya na ako pinilit na halikan siya dahil umalis na rin ito sa ibabaw ko para makapag shower na ako. Siya naman ay lumabas para tignan kung ano ang niluto nila. I went out when it's his turn, naabutan ko siyang nakikipag-usap kina Harden at Cean sa sala.
"Shower ka na," I reminded him.
"Okay, love," tumitig siya sa akin. "We'll eat first." Hindi man lang inaalis ang tingin sa mga mata ko!
"Wew! Love na talaga? Sali naman ako!" kantyaw ni Harden! "Reeva, hanapan mo naman ako ng gaya mo, sige na!"
Humalakhak si Cean, "Oh. I almost forgot, your type is exactly someone like her..."
"Enough of that," saway ni Timothee. "I'll just eat and take a quick shower then we're good to go. Tell them."
Hinawakan niya ang kamay ko para giyahin sa dining at kitchen area ng suite. Wala nang tao roon, tapos na siguro sila kumain. Ako na ang kumuha ng mga plato at kutsara para sa aming dalawa, habang siya ay busy mag timpla ng kung ano man doon sa countertop.
"3 in 1 coffee," inilagay niya sa tapat ko 'yong mug, sakto't tapos na rin ako mag sandok. "Uuwi na tayo pagkatapos kong maligo. Saan kita ididiretso? Sa bahay niyo? O sa condo ko?"
My eyes narrowed, "Why is your condo included?"
"They're hosting a house party. Pero tayo-tayo lang," he chuckled, shaking his head. "Tapos sleep over na rin. I bet you don't wanna miss it... kaya ipagpapa-alam kita."
Naisip ko bigla si Mama at Kuya, panigurado ako hindi na naman namin maaabutan si Kuya kung aalis na kami at dadaan kami roon. Baka wala rin si Mama. Naalala kong gusto ni Mama na dalhin ko sila sa bahay para maging kampante si Kuya Aldrench sa kanila... pero hindi naman kami magkatagpo.
BINABASA MO ANG
WENT VIRAL [Rewritten]
RomanceAnonymous: "LOOK! A well-known student in the campus, a candidate for Magna Cum Laude named Reeva Cordova, the good girl and achiever, gets fucked in the balcony and in a dance studio real HARD by this sexy Youtuber, Timothee Eyore aka JYE_T.V., her...