CHAPTER 12

4.4K 223 42
                                    

THE CROWD is just too wild that I couldn't hear anything, even my own voice— it was a blast! Nasa elevated area kami na malapit sa stage, exclusive para sa malalaking tao o 'di kaya'y sa mayroong VIP pass katulad namin. Espesyal na pwesto dahil nasa pinaka-unang row kami kaya naman kitang kita namin iyong apat, ngunit kahit ganoon ay kay Timothee lang palagi humihinto ang tingin ko.

I still can't believe that I am here. Mentally, I'm on clouds... feeling like the events are day dreams that I never knew I once thought of. Pero ito nga, narito ako. Para sa kanya. All the fears I had when I first met them just disappeared with the wind. And right now, I feel like I'm acknowledging the fact that I am part of this group... the friendship... and the relationship I have with Timothee Eyore.

"Timothee! I love you!"

"Akin ka nalang, Timothee!"

"Timo! Iuuwi na kita sa amin! Ipapakilala na kita sa Papa ko!"

Napangisi ako. Hindi ko naman sila masisisi. He stands out every time.

He's wearing his usual oversized tees and baggy pants, nothing fancy, pero halos lahat iyon ay galing sa sikat na brand, lalong lalo na ang suot niyang sneakers. His hair is styled in a clean slick back— it was razored a while ago at the dressing room, gusto niya raw ay mukha lang malinis kaya ganoon ang pinagawa niya. Wala rin gaanong accessories bukod sa smart watch, chain necklace and a ring. Just his usual look.

Ganoon din naman 'yong tatlo, pero si Harden ay pinatungan ng jacket ang kanyang shirt, si Cean ay sleeveless shirt naman ang suot, habang si Jester ay naka-turtle neck cropped sweatshirt. Ganito raw talaga sila tuwing maiimbitahan sa mga event, hindi na gumagastos para sa pareparehong costume dahil weird daw iyon para sa kanila.

At kung gaano karami ang sumisigaw sa pangalan ni Timothee Eyore ay ganoon din kina Cean, Harden at Jester. Halos hindi na nga magkamayaw ang mga tao dahil baliw na baliw ang lahat lalo na sa mga hip thrust and grind na kasama sa choreography nila. Idea iyon ni Harden at sinadya 'yan nila!

It's already 12:54 AM, paos na paos yata kaming tatlo nang matapos sila. May susunod pang sikat na banda at iyon na ang huli sa lahat ng mga bisita ngayon, kaya naman saglit lang silang nakapagsalita sa harap.

"Thank you for being with us tonight... and also for the gifts I'm gonna keep forever. Truly appreciated. And of course, I'd like to acknowledge the presence of my girl right there," nagulat ako nang ituro ako ni Timothee habang sina Ysa at Viel ay pinilit akong tumayo kasabay ang tilian ng mga nanonood! "This is the first time, so it's memorable. And I hope, this isn't the last." he smiled and passed the mic to Harden.

Halos malagutan ako ng hininga dahil sa ngiting iyon. He literally announced us in public! Hindi ako makapaniwala kahit alam kong kaya niya iyon gawin! Nang magka-ayos kami kanina ay biniro niya ako na ipapa-alam niya sa lahat ng tao ang tungkol sa amin kahit hindi pa naman kami official. Ginawa niya nga!

"Ang haba ng hair!" kantyaw ni Ysa nang pabalik na kami sa tent.

"So, true. When kaya ako?!" ani Viel habang hinahawi hawi pa ang buhok ko. "So lucky! You have the most wanted Eyore."

"Ssh!" saway ko dahil palapit na sa akin si Timothee na bahagyang nakangiti habang nagpupunas ng pawis.

Bakit siya nakangiti?

"How was it?" he asked when we reached his private tent, "Hindi ka ba nahihiya na nagpe-perform ako sa ganoon?"

Umiling ako at napayuko para itago ang ngiti. "I'm beyond proud." I told him.

WENT VIRAL [Rewritten]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon