THE next day, I feel so much better. Hindi ako iniwan ni Mama matapos akong ihatid ni Timothee. Sa tingin ko ay nag-usap pa sila saglit bago ako puntahan ni Mama sa kwarto para asikasuhin, hindi ko rin alam ang mga susunod na nangyari dahil half asleep na ako sa mga oras na iyon.
I woke up with my mother beside me and a good body temperature so I guess, I won't skip the last day of our OJT today.
Last day, kaya wala nang gaanong trabaho ang ibinigay sa akin. Um-attend lang ako ng meeting kanina kasama 'yong lahat ng myembro sa department na napuntahan ko.
"Sayang naman at short term OJT lang kayo, parang immersion lang ng Senior, ano. Kakaiba rin talaga 'yong university niyo," nakangiting sabi sa akin ng producer at head ng news writing department. "We decided to give you a token because we've seen the potential in you. If you want to work here in the future, ipakita mo lang ito together with your papers."
My heart fluttered for a moment and I realized that hard work really makes a way. Kinuha ko 'yong brown envelope na ibinigay sa akin at nagpasalamat sa lahat.
Malungkot ang ilan dahil nga mawawala na ako sa office, some of them considered me as the 'bunso' since I'm the youngest one here. Mayroon namang malungkot dahil hindi na raw nila makikita si Timothee kapag sinusundo ako o dinadalhan ng pagkain.
Personally, mamimiss ko rin ang mga araw na iyon. I had my one last look at the office then I went out of the building.. walang Timothee na bumungad.
Mas naging busy siya ngayon lalo na't puro dance practice sila. Binubuo palang yata 'yong ibang step ng ipe-perform nila sa event sa 22, kaya hindi siya mabaklas doon sa studio. Nagt-text naman kami pero madalang lang din dahil maski ako ay busy. Mabilis lang din naman ang oras kaya hindi ko namamalayan kahit hindi kami magkasama o magkausap.
Naalala ko na naman 'yung sagot niya bago ako bumaba noong gabi na 'yon, tinanong ko siya kung ano ang dahilan ng pag-iyak niya o kung umiyak ba talaga siya, pero itinanggi niya iyon at baka raw nag ha-hallucinate ako dahil sa lagnat.
Imposible.
"Nakakapagod, mabuti nalang at last day na 'to. Tapos kaunting tiis nalang, gr-graduate na tayo!"
Iyan ang bungad ni Ysa matapos ko siyang makita na nakatulala at mukhang problemado habang hinihintay ako sa tabi ng isang lemonade stall malapit sa office.
She tried to be enthusiastic but I know that something's wrong.. ganyan kasi siya lately, and I've been asking her if she's okay. Lagi niyang sagot ay pagod at stressed siya sa OJT, pagkatapos ay iibahin na niya ang topic.
"Ayos ka lang ba talaga?" umangat ang kilay ko.
"Yes! Masyado lang akong pagod, pero masaya dahil huli na ito. Final exam nalang aalalahanin natin.." she sounded so dreamy. See?
"Kung may problema, huwag ka mahiyang magsabi.." tinapik ko ang balikat niya, "Wala namang magtutulungan, Ysa, kundi tayong tatlo nila Viel. Alam mo iyon."
Ngumiti siya sa akin at tumango. Hindi na nasundan ang bagay na iyon dahil agad ding dumating ang grab car na siya na pala ang nag-book, tapos ay doon kami nagkwentuhan.
"Ewan ko, ang weird din talaga ni Jester. Basta ako, diniretsa ko na siya na hindi ako nagkakagusto sa tropa at kung ginagawa niya ang mga bagay na iyon na iba ang kulay sa kaniya, pwes color blind ako!" natatawa niyang sabi nang makwento ang efforts ni Jester para sa kaniya lately. "Saka kilabutan siya, ano. Para na rin akong nagkagusto sa pet kong isda kung magkakagusto ako sa Jester na iyon!"
Natawa rin ako. "Alam mo namang friend-magnet ka noon pa man. Kahit nga si Evan, hindi ba? O malay mo, gano'n talaga si Jester, hayaan mo siya kung anong gusto niyang gawin, basta nalinaw mo ang boundaries mo as his friend, as a woman."
BINABASA MO ANG
WENT VIRAL [Rewritten]
RomanceAnonymous: "LOOK! A well-known student in the campus, a candidate for Magna Cum Laude named Reeva Cordova, the good girl and achiever, gets fucked in the balcony and in a dance studio real HARD by this sexy Youtuber, Timothee Eyore aka JYE_T.V., her...