"BREAK MUNA! Masakit na tagiliran ko kakasayaw!" sukong suko na si Harden nang ihandusay ang katawan sa sahig ng dance studio.
E, paano ba naman, parang 2 hours straight yata kaming nagprpractice sa kagustuhan na magkaroon ng final output at makagimik ng mas maaga! Iyang si Cean at Jester ang pasimuno na dinagdagan pa ni Ysa at Viel, kaya ayan, lagaring lagari kami.
I took my tumbler and found no water to drink. Naubos na pala kada pasimpleng inom ko kanina, I looked at Timothee who's busy looking for something in his gym bag. Ako nalang siguro ang bibili ng tubig namin habang nagpapahinga sila, dahil puro alak ang naka-stock dito, ayaw ko namang mamatay kami ng maaga!
Nang lumabas ako ay napansin ko ang kumpulan ng mga taong parang may iniisyoso. Nang mas makalapit ako ay narinig ko ang mariing sigaw ng isang lalaki.
"I will shoot you dead! I'm armed! You retard!"
Halos mapahinto ako nang marinig iyon— that was one serious threat. Nang matanaw ko ay isang lalaki iyon na parang nasa 40s na, at isang babaeng halos hindi na makatingin sa kanya dahil sa takot. Basa ang damit nito, parehas noong sa lalaking galit na galit. Malamang ay natapon ang kung ano man sa kanila. Seriously? Threat because of a petty reason?
"Napakatanga mo! No wonder why you're poor, you're stupid, wala ka sigurong alam sa buhay!"
Shall I just stand here? Shall I make a move? I have the voice but is it the right place to stand? I was scared but I bravely went in the crowd. My impulsive thoughts won this time. Nagtinginan ang lahat sa akin na para bang sinasabi nilang napakatanga ko para pumasok sa gulo dahil nga walang lumalabas sa bibig ng lalaking iyon kundi pananakot.
Right. I am.
"Sir, my apologies, pero hindi maganda na—"
"And who the heck are you?! Isa ka pang tanga! Want me to rip off your heads now?! Wala kang alam kaya huwag kang makialam!" he cut me off. I startled and realized that this is a bad move.
Mas lalong dumoble ang galit at naramdaman ko iyon nang halos duruin niya ako. Nanlilisik ang mga mata niya at kulang nalang ay saktan kami. 'Yung babae ay nagtago na sa likod ko. Humihikbi na at halos hilahin ang damit ko para humingi ng tulong.
"Miss, huwag ka nang makisali, delikado 'yan."
"Sino ba 'yan? Bida-bida masyado, kapag binaril sila riyan, e..."
And these people are just gonna stand here, take videos and nothing more. Okay, para sa ebidensya, pero mula kanina ay hinayaan lang na ganito? And here I am, standing and made the situation even worse. Ayos!
"Reeva!" it was Timothee's voice. Oh shit!
Hindi ko pa nakikitang magalit si Timothee pero ang isipin na malalaman niyang sinigawan ako ng isang 'to ay malamang ikakagalit niya. Baka siya pa ang pumatol... o mapahamak.
I was about to walk out of the crowd but the man grabbed me all of a sudden. Hinila niya ako sa marahas na paraan, reason why I tripped and hurt my ankle. Tangina!
"Where the hell are you going? Tang ina, ah! Pagkatapos mong magbida, aalis ka? Why? Are you scared like a kitten?!" he laughed crazily.
"Tama na 'yan, boss, dalawang babae na 'yan. Mababaw lang naman—"
"Sssh! Hayaan mo sila! Huwag ka makialam kung ayaw mong madamay!"
"Reeva!" it was Timothee, again. Mayroon nang bahid na pag-aalala sa boses niya kahit nilalamon ito ng ingay ng kaguluhang ito.
I know that he's trying to find me. May parte sa akin na ayaw ko at gusto ko munang maka-alis dito bago niya ako makita, dahil sigurado akong papatol siya.
BINABASA MO ANG
WENT VIRAL [Rewritten]
RomanceAnonymous: "LOOK! A well-known student in the campus, a candidate for Magna Cum Laude named Reeva Cordova, the good girl and achiever, gets fucked in the balcony and in a dance studio real HARD by this sexy Youtuber, Timothee Eyore aka JYE_T.V., her...