CHAPTER 11

4.4K 236 69
                                    

"GOOD MORNING, napa-aga ang tawag mo?" pupungas pungas pa ako nang sagutin ang tawag ni Timothee. I looked at my clock, it's 6 in the morning.. ang aga naman ng isang ito?

"Uh, sorry. Did I wake you up? Akala ko gising ka na, your facebook account is online.."

Kumunot ang noo ko. Online? Hindi naman ako masyadong tumatambay doon, baka naiwan kong nakabukas ang mobile data dahil nakatulog yata ako nang ginagamit ang cellphone ko, parang bitin pa nga iyon dahil kanina'y antok pa ako. Pero ngayon hindi na dahil gising na gising na ako.

Well, hindi naman sa tawag niya nagising ang diwa ko. Doon sa boses niya. Napa-upo tuloy ako. Iba talaga ang boses niya sa cellphone, mas malalim ngunit mas malambing at malumanay.

"Ngayon lang ako nagising, why did you call?" tanong kong muli. "Getting ready for the performance? Mamaya pang gabi iyon, ah?"

"Yeah, I did a little inspection at the venue, I checked if it's safe.. to avoid incidents," he answered. I was just joking pero totoo pala! Ganoon siya kaagap?

"Sinabi ko na rin sa Mayor na hindi tayo magp-perform, and I reserved a special spot for you and the girls where you can watch comfortably, there are foods for us, too, pero nag-order pa rin ako ng extra para sa inyong tatlo. Mahaba raw ang waiting time bago kami, kaya baka magutom kayo. And oh, you can stay at the dressing room for the mean time, so I can have my good luck kiss from you."

Ang daming sinabi! Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti sa mga iyon. He's so thoughtful. Wala akong pakialam kung kabisado niya na talaga ang mga mangyayari sa mga ganoong event dahil nagpe-perform na rin sila noon, pero ang maisip niya ang magiging sitwasyon ko- hindi lang ako, kundi pati na rin sina Ysa at Viel, ay talaga namang nakapagpalambot ng puso ko.

Siguro, hindi ko masabi ang mga tipo ko sa lalaki. Pero ito siguro 'yon, 'yung lalaking papahalagahan at aalagaan pati ang mga kaibigan ko. Akala ko noon, kapag nagkaroon ng boyfriend ang isa sa aming tatlo ay magkakahiwalay kami, ngunit hindi, dahil kasama rin sila sa mga plano ni Timothee.

Hindi rin naman ako iniiwan noong tatlo. Sa katunayan, kumpleto ang practice ni Viel at Ysa ngunit mas napili nilang huwag nang sumama sa performance para may kasama akong manonood. At isa pa, talagang iyong apat lang naman daw ang imbitado. I assured them that it's fine for me to just watch, to at least avoid the spotlight after that traumatizing incident with Anthony Mariano but still, they told me it's more than fine to be with me.

Wala naman akong magagawa sa dalawang iyon, noon pa man ay ganoon na kaming tatlo. Walang maiiwan. Kung mayroon man, lahat kami. Tapos ay sabay-sabay kaming aabante.

Sana ay manatiling ganoon lang, kahit mayroong mga nadagdag sa buhay namin.

"Anyway, you should sleep again. Mamaya ay mapupuyat ka.." marahan niyang sabi, "We'll have our short rehearsal there after lunch. Pagkatapos ay susunduin kita kapag ayos ka na. Text me, or much better... call. Okay?"

Tumango ako, marami pa siyang binilin pagkatapos no'n ay tinapos na rin niya ang tawag. Now, I can't sleep.

Napag desisyunan ko na lumabas na ng kwarto, dumeretso ang tingin ko sa kusina na ngayon ay nakataas ang kurtina, natanaw ko roon sina Mama at ang kapatid ko, si Kuya ay nakabihis pa rin ng kanyang uniporme habang si Mama ay naghahain ng almusal. Kauuwi lang siguro ni Kuya Aldrench at bakas sa itsura nito ang pagod at puyat. Kahit pa hindi na kami nagkakatagpo rito sa bahay ay ramdam ko pa rin na nahihirapan na siya pero hindi niya magawang mag reklamo.

Saglit ko silang pinagmasdan, naisip ko na naman na kaunting hakbang nalang ay pwedeng si Kuya naman ang pag-aralin ko sa oras na makahanap na ako ng trabaho. Para kahit papano'y maging magaan ang buhay sa kanya at maabot niya ang mga pangarap na minsan nang nahinto para magbigay ng daan sa akin.

WENT VIRAL [Rewritten]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon