CHAPTER 14

4.7K 212 115
                                    

"UPLOADED na 'yong performance kahapon. Check niyo," anunsyo ni Cean matapos naming kumain, nakaharap na ito agad sa laptop niya dahil katatapos niya lang mag-edit ng mga video ng performance nila.

Marami rin kasing naka-abang lalo na't gumawa ng ingay 'yong nangyari ngayong araw, mas lalong maraming nakakilala sa kanila. Nadagdagan nga raw ng 5, 000 ang subscribers nila ngayong araw... alangan naman si Timothee kung magiging masaya ba siya roon o hindi.

"Huwag ka nang mag-alala, be happy! Kahit 'yong school nag e-mail sa amin ni Ysa, exempted kami sa mga quiz dahil sinama mo kami rito. Kaya ang paghahandaan nalang namin ay final requirements at exams bago ang graduation..." I told him, I even sound so dreamy! Ang sarap lang sa pakiramdam na umaayon pa rin sa mga plano ko ang mga nangyayari kahit maraming nagbago!

"Oh, wow. I was kinda anxious about it. Good to hear they acknowledged your efforts. And... you've been proving yourself since the beginning so, I think, you don't need to worry about your reputation that much. Let your achievements speak for you," he gave me a pat on my head.

Bumuntong hininga ako at pinanood ang mga kaibigan namin na nakatingin sa screen ng laptop ni Cean. Masayang masaya sila, at ganoon din ako kaya tama si Timothee, hindi na dapat ako mag-alala masyado dahil napatunayan ko na ng maraming beses ang sarili ko sa maraming tao.

"I'm finally... trying to be a human now, Timothee," I smiled to myself when I said that. "Thanks to you. Siguro kung hindi ka dumating, baka parang robot pa rin ako na naka-program na para mag focus lang, nakalimutan ko kasing maging masaya at mag saya noong mga nakaraang taon."

"I know," he chuckled. Kumunot ang noo ko.

"Huh? Alam mo? Wala ka pa naman sa buhay ko noon," tumawa ako. Makapagsalita talaga 'to! Parang alam lahat ng ginagawa ko sa buhay, e!

"Who knows," kibit balikat niya.

"Tss," I shook my head. "Alam ko na sa simula palang na malaki ang mababago sa akin pag na-involve ako sa mga sikat na gaya niyo. But I didn't know that it will be better... because you see, I'm a human after all."

He leaned towards me and placed his chin on the top of my shoulder. "Ipaparanas ko sa'yo lahat ng bagay na nakalimutan mong gawin." bulong niya sa tainga ko kaya kinilabutan ako ng sobra! Halos tumakbo ako palabas dahil sa boltaheng dumaloy sa katawan ko!

"My God! Get out of our sight nalang! You're too sweet!" reklamo ni Viel nang makita kami. "When I get myself a boyfriend, everyday kaming magp-PDA sa harap ninyo!"

"Hayaan mo 'yan si Reeva! First time niyan! Si Timothee lang ang nakagawa niyan, it should be written in the history!" humalakhak si Ysa.

Hindi man lang umalis si Timothee at mas lalo pa akong idinikit sa kanya! Nakangising aso naman ang tatlong lalaki kaya mas lalo akong nahiya! Parang nag e-enjoy silang panoorin kami at talagang nakuha pang isarado ni Cean ang kanyang laptop!

"I love you," Timothee whispered again. "I'll wait 'til you can say it back."

"Hmm.." I love you, Timothee. And I thank you for making me feel that I am a human, that I am a person of my own.

Hindi ko pa iyon masabi ng deretsahan dahil sa kaba, o dahil may takot pa rin ako na baka may magbago. Sa nakikita ko ngayon, parang pag inamin ko iyon ay sinabi ko na rin sa sarili ko na pag nawala si Timothee ay masisira ako. I want to say it... once we're stable, na wala na ulit babaligtad at mababago.

Nang lumalalim na ang gabi ay napag desisyunan nilang simulan na ang inuman. Si Timothee ay naroon sa kwarto para makipag-virtual meeting sa mga org leaders, at makibalita na rin sa nangyari sa evacuation center noong umalis kami. Mamaya pa iyon lalabas, dahil marami raw silang idi-discuss at ipr-propose na plan para kay Timothee.

WENT VIRAL [Rewritten]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon