CHAPTER 06

4.9K 289 283
                                    

HAWAK ako ni Ysa sa palapulsuhan ko habang galak na galak akong hinihila papasok. Bago kami makarating sa loob ay may tinatak sa wrist ko gamit ang invisible ink, ang ibang bouncers ay tinignan iyong sa mga kaibigan ko. Kapag daw may tatak nito ay may access na agad sa VIP room at unli ang order ng alak. Mukhang masaya kung pakikinggan pero hindi ko rin yata magagawang magsaya ng maayos ngayong gabi.

Dahil pagpasok namin, agad akong nagsabi na sa VIP area lang ako. KJ na kung KJ, pero mas ayos na sa akin na mag-stay dito kaysa makipag plastikan kay Timothee roon na wala ring kibo nang magkita kami. Mukha pang laging lumilipad ang isip dahil sa tuwing kinakausap siya ng mga kaibigan namin ay inuulit pa ang sinabi nila at itinatanong sa kanya kung nakikinig ba siya.

The hell. I really did notice that, so I'm paying too much attention, ganoon?

And unfortunately, nang bumukas ang pinto ng sound proof bubble ay siya ang bumungad, deretso ang tingin sa akin kaya iniwasan ko agad. Mananadya pa yata ang gagong 'to.

"How's life?" Walang kahiya-hiya niyang tanong at tumabi pa talaga sa akin. Sinalinan niya pa ng alak ang shot glass niya, pati na rin ang akin.

"It's fine," tipid kong sabi. Ipinararamdam ko talagang ayaw ko siyang kausap! Itinuon ko nalang ang pansin ko sa nagsasayawan sa dance floor.

Naroon ang lima at gaya nga ng sinabi ko, kababalik lang ni Timothee rito sa loob. Tyempo pa na ako lang ang narito! Hindi ko alam kung nananadya ba siya para bwisitin ako o talagang walang epekto sa kanya ang mga nangyari. Gago talaga!

"It's been a month since the last time you went out with.. our... friends," sabi niyang muli, in a slow and calm manner. Hindi ko alam ang purpose niya, hindi maganda ang huli naming pag-uusap kaya hindi ko alam kung anong patutunguhan nito. "You ignored us for so long.. was it about.. that?"

"I'm busy working for my future which is none of your business," walang pakialam na sagot ko. "And whatever you're talking about wasn't a big deal," I lied.

But it was. Yes, before. It was such a big thing for me to ponder on. It really did give me a hard time.. pero hindi ko iyon aaminin dahil walang dahilan para sabihin. Tapos na nga, 'di ba?

Tingin ko nga sa sarili ko ay napaka-OA ko na. I also have my mistakes that time... kaya kung magiging bitter ako ay siguradong mas lalalim pa ang galit ko. Mas mahihirapan akong makalimot.

"You've worked so great from the past years until now, Reeva," he said. Oh, how did he know? Nandoon ba siya? "Pero kailangan mo pa rin ng pahinga. At least, unwind for a while, you know... relax and enjoy your life."

Wow, coming from a priviledged motherfucker?

Napangisi ako dahil doon, why is he acting extra nice right now? Does he know that I broke down during the time that I should've celebrated my victory?

O naghuhugas kamay lang ito dahil nakokonsensya siguro siya sa paglayo ko sa kanilang lahat, na hindi naman dapat madadamay 'yung lima, lalo na si Viel at Ysa na naaapektuhan din sa pag-iwas ko?

"Huwag mo nga akong digtahan, Timothee, hindi mo ba nakikita na nandito ako ngayon para mag-stress out, kahit wala sa plano ko ito, pero pumasok ka at hindi ko alam ang intensyon mo para kausapin ako nang kausapin kahit na alam mong ayaw ko," tumalim lalo ang tingin ko sa kaya. "Lalasingin mo ba ulit ako? Tapos... kapag may nangyari, sasabihin mo na naman nagkamali ka? O, itagay mo nalang, dahil isang malaking kahibangan 'yan," tinaas ko sa ere ang shot glass na hawak ko, habang ang isang kamay ko ay kinuha ang softdrinks.

Hindi ako lasing, mas lalong hindi pa ako tinamaan, pero hanggang ngayon ramdam ko pa rin pala 'yung kirot lalo na noong makita ko siya sa bahay namin.

Naroon pala siya labas, hindi siya sumama nang pumasok si Harden at Jester kanina sa loob ng bahay. Kaya naman nang naka-ipon na siya ng kapal ng mukha ay nagulat ako nang magpakita siya roon. Gusto kong magalit, gusto ko siyang paalisin kung walang modo lang ako. Inisip ko nalang din si Mama, para ko na ring hindi nirespeto ang Mama ko kung sakaling magpapalayas ako ng bisita.

WENT VIRAL [Rewritten]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon