"Lucas, bilisan mo! Mahuhuli na tayo"
kasabay ng malakas na Bose's nito ay ang masakit sa tenga na busina ng kanyang kotse.
Lumabas ako sa aming bahay matapos maka pag handa para pumasok sa aming paaralan.
Naghihintay naman sa labas ng aming bahay si Tyler.Si Tyler ang pinaka matalik kong kaibigan. Araw araw sa kotse niya ako sumasakay patungo sa aming skwelahan.
Lumabas ako ng bahay namin at nasa harapan naman ng bahay namin si Tyler.
"Aalis pa ba tayo?" Naiinis na tanong nito.
" sorry na late na kase ako ng gising" nahihiyang tugon ko habang binubuksan ang pintuan ng sasakyan.
At Umupo sa may tabi nito"masyado mo atang iniisip ang unang araw natin sa school bilang Senior?"
Tanong nito habang naka titig saakin ng parang nang aasar.
"Baliw, masyado lang akong nalibang sa aking pinapanood. Kaya hindi kona napansin ang oras"
bumalik ang tingin nito sa harapan at pinag patuloy ang pag mamaneho ng kanyang sasakyan. May pag kaluma na ang sasakyan nito.
Halos grade 8 palang ay ito na ang aming ginagamit patungo sa paaralan.
"Nabalitaan mo ba yung bulong bulungan?" Napaharap ito sa akin at kita ang interisado nitong mukha.
"Nope I didn't, ano ba yun?" Pagtatakang tanong ko.
Lumingon ito saakin at bakas ang pagka gulat sa mukha nito "What?" Malakas na tanong nito.
At ibinalik ang tingin sa daanan.
"Why? Ano ba yun?"
"May nabalitaan ako kay papa, may mga tao daw na nag rereport tungkol sa mga malalaking aso sa may kakahuyan"
Isang police ang tatay ni Tyler, hindi siya tulad ng ibang mga pulis na kurap.
Isang respetadong pulis ang tatay ni Tyler. Isa siya sa mga nilalapitan ng mga tao kapag may inirereport.
"Marami na daw ang natatakot sa mga ito, dahil bali balitang mga taong lobo ang mga nakikita sa may kakahuyan."
Ibinaling ko ang aking pag tingin sa labas ng bintana ng kanyang kotse.
"Malalaking aso?"
"Oo, may nakikita daw na malalaking aso sa may kakahuyan ngayong mga nagdaang araw. Kaya takot na ang mga tao na pumunta sa kakahuyan"
"Ano ba sa tingin mo ang malalaking asong nakikita sa kakahuyan?
Huminto ang kotse nito at tumingin sa akin.
"Werewolves!"
Napatingin ako sakanya at bakas ang pagka mangha sa kanyang mukha. Alam ko na ang iniisip nito.
Para saakin hindi normal si Tyler sa mga ordinaryong tao. Dahil baliw ito, hahaha kasi naman bawat may nababalitaan ito tungkol sa mga werewolves iniimbistigahan niya ito. At pilit akong isinasama.
Obsessed si Tyler sa paghahanap sa mga taong lobo. Simula ng nasa Grade 8 palamang kami.
Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang ang pagka interest nito sa mga werewolves sabagay may pagka weird ang mga gusto nito.
"Here we go again" I rolled my eyes on him.
Ngumiti ito ng napaka laki nang parang nang aasar.
BINABASA MO ANG
FullMoon: Legend Of The Elemental Wolves
WerewolfSa ilang libong taon, pinamumunuan ng mga tao ang Mundo. Ngunit hindi ito nagtagal. Unti unting nalaman ng mga tao ang iba't ibang uri ng mga nilalang na naninirahan kasama nila dito sa mundo. Witches, aswang, vampires, mga taong lobo or werewolves...