-
- (Author's POV) -
-
Habang kausap ni Sellena si Sylvania sakanyang isip ay isang Alpha ang Lumitaw kung saan at sinipa ito Dahilan upang mapatilapon si Sellena."Kamusta kana Sellena" sambit ng Bose's ng isang lalake at kasama nito ang Dalawa pang Lobo.
"Stefan" sambit ni si Sellena sa ngalan ng Lalake. Si Stefan ay isang alpha na may kakayahan manipulahin ang Gravity. Kaya nitong pabigatin ang hila ng gravity sa isang lugar kung saan ito nag fofocus.
"Sellena Ayos kalang" pag aalala ni Bella.
"Ayos lang ako, Tyler ilayo niyo si Lucas dito." Paguutos nito
"Pero paano ka"
"Kaya kona toh" tinignan ni Sellena ang dalawa at nginitian. "Huwag kayong mag alala sa akin ang mas mahalaga sa ngayon ay ang kaligtasan ni Lucas."
Sinunod ito ng Dalawa. Binuhat ni Tyler si Lucas at Lumayo.
"Sa tingin niyo ba ay hahayaan ko nalang kayong umalis" akma nang pupuntahan ni Stefan sina Bella ng harangan ito ni Sellena.
Kinalmot ito ni Sellena ngunit mabilis na Umiwas si Stefan. Sinenyasan ni Stefan ang dalawang kasamang lobo na habulin sina Tyler. Dalidaling sinundan ng mga lobo ang dalawa.
Pinasok ni Sellena ang isipan ng dalawang Lobo upang lituhin. Napa alulong ang mga lobo sa sakit na Nadama sa kanilang ulo.
Itinapat naman ni Stefan ang kanyang kamay Kay Sellena at binigatan ang Gravity dito dahilan upang mapaluhod si Sellena.
Bumalik sa katinuan ang isip ng dalawang lobo at pinag patuloy ang paghabol kina Tyler.
Pinasok naman ni Sellena ang Isip ni Stefan upang guluhin ito sa konsetrasyon. Ng magulo niya ito ay nawala ang bigat nito sa katawan. Dalidali niya itong nilapitan at sinipa sa sikmura. Tumilapon naman si Stefan dito ngunit mabilis na naka bangon ito at nilapitan si Sellena. Patuloy ang dalawa sa pakikipag laban habang lumalayo naman sina Bella.
Habang papalayo sina Tyler. Napansin ni Bella ang sumusunod sa mga ito. Huminto ito at ginamit ang kakayahan. Lumiwanag ang mga mata nito pati na ang kanyang mga Kamay. Ibinuga niya ang isang malakas na pwersa mula sa isang Lobo at tinamaan niya ito. Dahilan upang mawalan ito ng malay.
Naka ilag naman ang isa at tumalon Kay Bella. Mabilis na Umilag si Bella rito.
"Ang Clairvoyant" sambit nito.
Ngumisi ng nakaka Inis ang lobo.
Samantala Patuloy parin Ang pakikipag laban ni Lucas sa pagsubok ni Pernicies.
-
-Bawat isa ay may kaharap. Si Levis ay Kay Elvis. Venora ay Kay Sylvania at si Mervil ay Kay Vincent.
Nagpapalitan ng malalakas na Suntok sina Elvis at Levis ngunit Dahil parehas lamang ang kakayahan ng mga ito ay halos pantay lamang ang kanilang Laban.
Si Vincent naman ay mabilis na kumikilos sa pag iwas sa mga bagay na itinatapon ni Mervil. Nag angat ng mga bagay bagay si Mervil at mabilis na itinapon Kay Vincent. Mabilis naman na Inilagan ito ni Vincent.
Lumapit ito ng mabilis Kay Mervil at hinawakan sa kanyang mga Kamay. At Isang malakas na Kuryente ang pinakawalan nito. Kita ang lakas ng kuryente sa natamo ni Mervil. Tumilapon ito ng mabilis. Ngunit Dahil sa Ginawa ni Vincent ay isang beses nalamang niya kayang magpaka wala ng kuryente sa kanyang katawan. Kita ito Nina Sylvania.

BINABASA MO ANG
FullMoon: Legend Of The Elemental Wolves
Manusia SerigalaSa ilang libong taon, pinamumunuan ng mga tao ang Mundo. Ngunit hindi ito nagtagal. Unti unting nalaman ng mga tao ang iba't ibang uri ng mga nilalang na naninirahan kasama nila dito sa mundo. Witches, aswang, vampires, mga taong lobo or werewolves...