(Author's POV)
Habang si Lucas ay nagpapahinga sa Kanyang silid ay nasa labas naman ang kanyang INA kasama si Sellena. Nag uusap ang dalawa tungkol Kay Lucas.
Napag usapan ng mga ito ang tungkol sa Ginawa ni Sellena Kay Lucas. Sa una ay nabigla si Agatha sa sinambit neto. Pero batid Neto na masyado na ngang matagal ang ginawa nilang pagtatago at marami na ang namamatay at nawawalan ng pag asa.
-
-(Lunes)-
-Umaga noon at papasok na sa skwelahan ang dalawa, gamit Ang sasakyan ni Tyler. Lunes noon kaya't hindi nito classmate si Tyler sa una nitong klase at huli.
Maagang naka rating noon ang dalawa sa Paaralan kaya't nag pasya ang dalawa na magpalipas muna ng oras sa mga bench sa kanilang Paaralan bago pumasok sa kani kanilang silid. Habang nag uusap ang dalawa ay natagpuan naman ito ni Renz at Cassandra at nakisama sa pag uusap.
"Kamusta na paki ramdam mo Lucas." Tanong ni Renz dito. At na upo ganon din si Cassandra.
"Ayos lang ako." Sambit nito. Umayos sa pag kaka upo si Lucas at lumapit ng bahagya kina Renz at Cassandra. At binulungan ang mga ito.
"Lahat ba ng mga Alphas may kakayahan katulad ni Sellena?" Sambit nito.
Nag katitigan sina renz at Cassandra bago ito sagutin.
"Oo" tugon ni Cassandra.
"May ibat ibang kakayahan ang mga Alphas." Dagdag pa nito.Naalala nito ang nangyare nung nakaraan. Ang nangyare na muntikan na itong ma patay sa may kakahuyan.
Natigil ang pag uusap ng apat ng nadinig ng mga ito ang hudyat ng Simula ng klase. Humiwalay na si Tyler sa mga ito upang makapasok na sa kani kanilang Silid alaran habang magkakasama naman ang tatlo.
-
(Tyler's POV)
Medyo malamig at masarap ang hangin na dumadampi noon saakin habang ako ay naglalakad patungo sa akong silid aralan. Habang nag lalakad ay nakita ko din si Bella na papunta sa kanilang silid aralan. Si Bella ay isa sa aking kaklase sa subject na aking pinapasukan tuwing Lunes, martes at Biyernes.
Para sa akin si Bella ang isang halimbawa ng isang perpektong babae. Maganda, mahaba at ka kulay ng sikat ng araw ang kanyang buhok. Maputi at makinis ang kanyang balat, maganda ang pangangatawan nito at ang pinaka maganda dito ay ang kanyang mala kulay abong mga mata, na animo'y kumikinang pag nasisikatan ng liwanag.
Ilang taon na rin akong may lihim na paghanga rito. At mukhang araw araw ay mas lalo pang lumalalim ang pag hanga ko rito sa kanyang kagandahan.
Ilang taon, pero wala akong lakas ng Loob upang siya ay malapitan at kausapin. Sino nga ba ang magkaka gustong maki usap sa weirdong katulad ko. Hindi cool, baduy ang pormahan, weird, at higit sa lahat Torpe.
Makaka sabay ko siya sa pag pasok sa pinto ngunit binagalan ko ang aking paglalakad upang mauna na itong maka pasok.
Naka upo si Bella sa harapan at ako naman ay sa may likod. Halos buong klase ata ay siya lamang ang pinagmamasdan ko. Madalas ay Pinapanood ko kung paano hampasin ng hangin ang maganda nitong buhok. At ang matatamis nitong mga ngiti. Hayyy araw araw ay mas lalo pa siyang gumaganda.
Napa tigil ako sa pag mumuni muni ko nang ibagsak ni Mrs. Sanchez ang libro sakanyang lamesa. Si Mrs. Sanchez ang aming guro sa subject na Chemistry.
BINABASA MO ANG
FullMoon: Legend Of The Elemental Wolves
WerewolfSa ilang libong taon, pinamumunuan ng mga tao ang Mundo. Ngunit hindi ito nagtagal. Unti unting nalaman ng mga tao ang iba't ibang uri ng mga nilalang na naninirahan kasama nila dito sa mundo. Witches, aswang, vampires, mga taong lobo or werewolves...