-(Author's POV)-Malayo na ang tinakbo ng mga ito kaya nagpasya nang doon na muna sila manatili. Habang kinadena naman ni Cassandra at Renz si Lucas sa Isang puno.
"Kailangan ba talaga yan?" Tanong ni Tyler. Alin, ang kadena? Mas mainam nang nakatali siya diyan, baka kung saan pa siya mapadpad at makita ng mga Hunters." Sagot Ni Cassandra
"Yes ma'am" tugon naman ni Tyler "Bakit parang mas gumaganda ka yata ngayon Cassandra." Pagbibiro ni Tyler Dito.
Lumapit si Cassandra Kay Tyler At kinahulan ito ng parang isang aso at pina kitaan ng mga matutulis nitong mga pangil.
"Woah, Chill nag bibiro lang ako. Bat pala antagal niyo kanina? Saan ba kayo nanggaling?" Tanong nito.
Lumapit si Renz sa pinag uupuan ni Tyler na damuhan at sinamahan itong tingnan ang mga Bituin at sumali na rin si Cassandra sa mga ito. Habang si Lucas ay wala paring malay na naka Tali sa Puno.
"Nasa kakahuyan na kami noon, ng Makita kami ng mga Hunters. Sinubukan naming tumakbo noon pero naabutan parin nila kame. Kaya wala na kameng nagawa Kundi ang lumaban. Hanggang sa makatakas kami" Tugon ni Renz Kay Tyler pinakita nito ang Sugat sakanyang likod na gawa ng espada.
"Diba May kakayahan kayong Maghilom ang inyong mga sugat? Bakit mukhang sariwa pa yan at hindi pa Gumagaling." Tanong ni Tyler.
"Dahil sa Wolf's Bane" sagot ni Cassandra "di madaling humilom ang mga sugat galing sa mga bagay na may halo ng Wolf's Bane. Madalas ay tumatagal ito ng isa hanggang Dalawang araw." Dagdag pa nito.
"Buti hindi kayo na aapektohan ng Buwan?" Tanong ni Tyler sa dalawa
"Na aapektohan pero di gaano. Bata palang kami ay sinasanay na kaming kontrolin ang aming mga emosyon sa kalagitnaan ng FullMoon." Sagot naman ni Renz, bakas sa mukha nito ang kalungkutan habang minamasdan ang mga Bituin.
" May nabanggit ka tungkol sa pagtatraydor ng Mga Tao sa inyo. Ano bang ibig sabihin mo doon?'' Tanong ni Lucas Kay Renz habang pinagmamasdan ng tatlo ang kagandahan ng mga Bituin sa Madilim na Langit. At nagsimula ng mag Kwento si Renz sa mga bagay na nangyare noon.
---
Hndi pa pinapa nganak ang mga ito ay may alitan na mula sa mga Tao At Mga Lobo. Madaming mga buhay ang kinuha mula sa alitan ng dalawang lahi. Kaya nag pasya ang dalawa na gumawa ng Kasunduan. Kasunduan ng isang Katahimikan mula sa Dalawang lahi. Pumayag ang mga lobo sa kasunduang ito pati na ang mga tao. Dahil maraming pamilya at buhay na ang kinukuha sa labanang nagyayari sa pagitan ng dalawa. Nag tagal ang kasunduang ito. Pinanganak sina Renz, Cassandra at mga iba pa ay buhay parin ang kasunduan.
Ngunit hindi lahat ng mga lobo ay sang ayon dito. May mga ibang lobo ang hindi sang ayon na maki pagka sundo sa Mga Tao. Ngunit pagod na at ayaw ng mawalan pa ng ibang kasapi ng kanilang pack ang karamihan kaya nanatili ang Kasunduan ng Dalawang lahi.
Masaya paring namuhay noon ang mga tao at mga lobo. Ngunit hindi lahat ay nasisiyahan dito. Si Alazar isang Alpha ang hindi sang ayon sa Kasunduan. Hinikayat nito ang iba pang mga Alpha sa masama nitong bina balak.
Si Adher pinaka mataas sa lahat, Alpha ng mga Alphas ay nabalitaan ang masasamang balak ni Alazar. Kaya binalaan niya ito at pinagbantaan na kung itutuloy nito ang mga masasama nitong mga balak sila ay lilipunin at itatakwil. Hndi nagustuhan ni Alazar ang pagbabanta ng Alpha.
Lumaki pa ang galit nito dito ng ito ay magkaroon ng kasintahang tao at nagkaroon ng mga anak rito. Mas Tumibay pa ang relation ng mga tao at mga lobo noon Dahil rito. Ngunit hindi alam Ni Adher ang nag babadyang panganib sakanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/212632908-288-k930803.jpg)
BINABASA MO ANG
FullMoon: Legend Of The Elemental Wolves
Hombres LoboSa ilang libong taon, pinamumunuan ng mga tao ang Mundo. Ngunit hindi ito nagtagal. Unti unting nalaman ng mga tao ang iba't ibang uri ng mga nilalang na naninirahan kasama nila dito sa mundo. Witches, aswang, vampires, mga taong lobo or werewolves...