-
- (Lucas POV) -
-Tatlong nilalang ang tumambad sa amin, pula ang mga mata ng mga ito. Walang dudang mga Alphas.
"Renz" pagbubulong ko dito at sumenyas ako na kailangan naming Tumakbo. Alam namin na wala kaming laban sa mga ito.
"Venora" gigil na sabi ni Cassandra.
"Maligaya akong nagkita tayo uli munting Lobo" sambit ng babae Kay Cassandra. At ngumisi ito ng kaunti.
Nag kulay kahel ang mga mata ni Cassandra at unti unti na nga itong naging Isang malaking Lobo. Ganoon din si Tyler. Ang laki ng mga ito ay halos nasa Kalahati ng aking katawan.
Makikita ang gigil sa titig ni Cassandra Kay Venora. At kita ito ni Renz.
Nilapitan niya ito at sinabihang uminahon.
"Wag Cassandra, mapapahamak lamang tayo kung pangungunahan ka ng iyong galit. Alalahanin mo na kasama natin si Lucas." Tugon ni Renz.
"Shit, Ano nang gagawin natin" natatakot na Tugon ni Tyler.
"Tatlong Alphas?" Pagtatanong naman ni Stella.
"Isang karangalan ang makita ng Personal ang Itinakda" sambit ng Isang lalake habang yumuyuko ito ng bahagya.
"Lucas Kailangan na nating maka alis" Tugon ni Renz.
"Paano" pagtatanong ko
"Tumakbo kayo pag naibato kona ito." Tugon ni Stella. Habang may hawak hawak na bilog na bagay.
"Ano yan?" Tanong naman ni Bella habang tinuturo ang hawak nito
"Smoke Bomb" Tugon nito.
"At isa ring malaking karalangan ang ihatid Kay Alazar ang iyong Wala ng buhay na katawan." Itinaas ng isa sa mga lalake ang Dalawa nitong kamay. Kasabay nito ay nagsi taasan din ang mga bato at mga troso.Bago pa nito maihagis sa amin ang mga bagay na pina angat nito ay itinapon na ni Stella ang kanyang hawak.
Kasabay nito ay Malaking usok ang namagitan sa amin ng mga naka Balabal na mga Alphas.
"Takbo" malakas na sigaw ni Stella. At dali dali kaming lumayo sa mga ito.
- ( Author's POV) -
-Nang maitapon ang hawak ni Stella ay dalidali ang mga itong tumakbo at Lumayo sa Mga Alphas.
Ngunit hindi namalayan ng Anim na nahati ang mga ito sa dalawang Grupo. Si Lucas, Stella at Cassandra ay tumungo sa kaliwa at sa kanan naman sina Renz, Tyler at Bella.
Nang ma alis ang usok ay agad na Hinabol ng mga ito ang anim. Ang isa ay tumungo sa pinaroroonan nila Tyler. At ang dalawa naman ay tumungo sa pinaroroonan nila Stella.
"Kita kona sila" sambit ni Venora. Si Venora ay Isang alpha. Ito ay may nakakalason na likidong lumalabas sakanyang Mga Kuko. Ilang Segundo lamang ang kailangan, upang kumalat sa katawan ng tao ang lason at tumigil sa pagtibok ang puso nito. Kaya din nitong maglabas ng likido na nakaka paralisa sa katawan ng kanyang mga biktima.
"Ako nang bahala" sambit naman ng isa pang lalake. Ito ay may kakayahan na tinatawag na Telekinesis.
Kasabay ng pag angat ng mga kamay nito ay ini angat nito ang Isang malaking troso at inihagis sa harapan Nina Lucas.
BINABASA MO ANG
FullMoon: Legend Of The Elemental Wolves
WerwolfSa ilang libong taon, pinamumunuan ng mga tao ang Mundo. Ngunit hindi ito nagtagal. Unti unting nalaman ng mga tao ang iba't ibang uri ng mga nilalang na naninirahan kasama nila dito sa mundo. Witches, aswang, vampires, mga taong lobo or werewolves...