Chapter 20: The Alphas

86 6 0
                                    

- (Lucas POV) -
-

Pagkasambit ko sa pangalan nito ay naramdaman ko ang kakaibang lakas na umaagos sa aking katawan. Ang init sa aking mga ugat ay nanunuot. Ngunit sa mga oras na iyon ay hindi ko na alam, ang mga sumunod na nangyare.

-
- (Author's POV) -
-

Pagkasambit ni Lucas sa pangalan ng Fire Element na si Pernicies ay mabilis na kumalat sa katawan nito ang kaka ibang kapangyarihan.
.
Lumiyab ang buong katawan nito ng napaka laki. Walang nagawa sina Venora at ang kasamang lalake kung hindi ang pag masdan ito.
.
Ilang saglit lamang, ang kulay kahel na mga mata nito ay Naging kulay Pula.
.
Laking gulat sa nakita ni Stella.
"Ano yan? Bakit nagliliyab si Lucas?" Sambit nito.
.
"Yan ang Fire Spirit. Ang elementong pinangalaga sakanya ng kanyang ama." Tugon ni Cassandra habang hawak ang nananakit nitong paa.
.
"Sa mga oras na ito ay kailangan na muna nating magtago Stella. Dahil mukhang hindi pa niya kontrolado si Pernicies." Sambit ni Cassandra at dalidali silang nag tago sa Likod ng isang malaking puno.
.
Dahil una palamang nitong nagamit ang lakas ni Pernicies. Hindi ito nakontrol ni Lucas. Pagkasambit palamang ng Pangalan ng Fire Element ay nawalan na ito ng Malay. At tanging Ang lakas ni Pernicies ang nagpapagalaw sa Katawan nito.
.
Hindi nag sayang ng oras ang lalake. Iniangat nito ang mga bato gamit ang kakayahan nito at mabilis na itinapon sa pinaroroonan ni Lucas.
.
Mabilis na umilag si Lucas. Pagkailag nito ay gumawa ito ng maliliit na Bilog na mga apoy. At mabilis na Binuga sa Dalawang Alpha.
.
Inilagan ito ng Dalawa, mabilis na gumilid ang mga ito. Ngunit ng maka lagpas ang mga bolang apoy sakanila ay bumalik ang mga ito patungo sa pinaroroonan ng dalawang Alphas animoy parang naka magnet ang mga ito sakanila.
.
Tumalon ng napaka lakas ang dalawa at nagsi lipat lipat sa mga sanga ng puno upang maka iwas sa mga bolang apoy. Bawat isa ay may dalawang bolang apoy ang humahabol sakanila.
.
Nag angat ang lalakeng alpha ng malalaking Bato at Pinatama sa mga bolang apoy na humahabol sa mga ito.
.
Huminto ang mga ito sa mataas na sanga ng puno ng wala ng mga bolang apoy ang humahabol sakanila.
.
"Muntikan na ta---" napatigil magsalita ang lalake ng makita si Lucas sa harapan nito.
.
Iniangat ni Lukas ang kanyang kamay at aktong susuntukin ang lalake. Hindi na nagawa pang maka ilag ng lalakeng alpha Dahil sa bilis ni Lucas. Tumilapon ito sa baba at bumagsak sa lupa.
.
Kita sa lakas ng pagkaka bagsak nito ang natamang suntok Kay Lucas.
Naghagis ng Mga Pin si Venora Kay Lucas. Ngunit Walang ilang saglit lamang ay naka ilag si Lucas. Animoy parang nawala ito sa sobrang bilis nitong Kumilos.
.
Nilibot ni Venora ang kanyang tingin sa paligid ngunit hindi nito makita si Lucas.
.
Halos manigas ang katawan ni Venora ng maramdaman ang Presensya ni Lucas sa kanyang Likuran. Lumingon ito sa Likod at nakita nito ang nanlilisik nitong mga mata.
.
Tumalon ng mabilis si Venora at lumipat sa isang sanga ng Puno. Ngunit Bago pa man ito maka tapak sa Sanga ay may pumalupot sa kanyang Binti.
.
Kita nito ang parang isang taling apoy na gawa ni Lucas. Naka palupot ito sa kanyang paa, at matinding lakas ang humila dito.
.
Kasabay ng paghila ni Lucas ay tumalon ito ng malakas at binigyan ng malakas na sipa si Venora sa kanyang Tiyan. Dahilan upang tumilapon si Venora at bumagsak sa Lupa. Bumagsak ito Kung saan din bumagsak ang lalakeng Alpha.
.
Habang nasa lupa ang dalawang alpha si Lucas naman ay Nasa itaas nito. Tinutok nito ang kanyang dalawang Palad at bumubuo ng isang malaking bolang Apoy.
.
"Shit" nanghihinang Tugon ni Venora. Hindi maka kilos at maka ilag ang dalawa Dahil sa natamo.
.
Habang naka higa, tinaas ng lalakeng alpha ang kanyang kamay at pilit ginagamit Ang kanyang kakayahan. Ngunit wala na itong lakas para maka laban.
.
Kita ng dalawa si Lucas na nasa itaas at ang binubuo nitong Bolang apoy ay unti unting lumalaki. Ngunit Bago pa man maibuga ni Lukas ang bolang apoy na ito.
.
May kung sino ang sumipa sa Likod nito ng malakas. Nawala ang malaking bolang apoy at bumagsak si Lucas ng mabilis sa Lupa.
.
Tumingala si Lucas at nakita ang isa pang Alpha na nababalutan ng maitim na usok. Ang Alphang ito ay ang alpha na Kaharap Nina Bella.

FullMoon: Legend Of The Elemental WolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon