Author's (POV)
-End Of Class-
Kaka tapos lang noon ng Kanilang klase ng mag aya na umuwi si Lucas Kay Tyler
"Tara na Tyler."
Ani nito sa kaibigan habang nag aayos ng mga gamit papasok sa bag nito."May gagawin ka ba mamayang gabi Lucas?" Tanong ng kaibigan nito.
Humarap si Lucas at sinagot ang kaibigan. "Wala naman, bakit?"
"Sa amin, pumunta ka mamayang gabi may ipapakita ako sa'yo." Sambit ni Tyler.
"Hayy....." Napa buntong hininga si Lucas
"Ano nanaman ba iyon?" Sambit nito sa kanyang kaibigan."Basta puntahan mo nalang ako sa bahay at ng malaman mo." Sagot nito
"Tungkol na naman ba sa Werewolf sightings yan?" Pag-aasar nito Kay Tyler.
"Sge na, mauna nako sa Labas at kukuhanin ko pa sa parking lot ang sasakyan ko."
Unang lumabas ng skwelahan si Tyler upang kuhanin ang sasakyan nito.
Habang papa labas ng silid aralan si Lucas ay naka salubungan nito si Stella sa harap ng pinto. Na papasok naman ng silid upang kuhanin ang kanyang gamit ."Hi" tugon ng babae
"Uhm.. Hi" nahihiyang tugon naman ni Lucas
"Ah.. Pasensya kana pala kanina nung nabangga kita." Dagdag ng binata."Ayos lang." Tugon naman ni Stella
"Pauwi kana ba?" Tanong ni Lucas kau Stella.
"Ah.. Oo, ea Ikaw ba?" Sagot ng dalaga
"Oo, gusto mo bang sumabay samin ni Tyler? Ihahatid ka namin sa inyo." Pag aalok ni Lucas Kay Stella."Tyler?" Tanong ni Stella
"Oo, kaklase natin siya. At kaibigan ko rin. Wag kang mag alala mabait naman siya kahit medyo weird nga lang." Tugon nito.Tumawa ng bahagya ang Dalaga pati na si Lucas.
"Uhmm.. Sorry. Hindi naman sa ayaw ko pero, susunduin kasi ako ni papa kaya di ako makaka sabay sa inyo kaya pasensya na." Pag papa umanhin ng dalaga."Ganon ba." Sambit ni Lucas.
"Pero pwede naman akong sumabay sayo palabas ng skwelahan." Alok ni StellaNamula si Lucas At Medyo nahiya sa alok ng dalaga.
"Oo s-sge hahatid kita sa labas ng Skwelahan."
Kinuha ng dalaga ang gamit niya at sinakbit sa kanyang balikat. Inalok ni Lucas ang dalaga dalhin ang bag nito pero tumanggi si Stella ay sinabing kaya naman daw niya itong dalhin mag isa at hindi naman daw iyon ganoon ka bigat."Bakit ka pala tinawag sa Principals office?" Tanong ni Lucas Kay Stella habang naglalakad sila sa may Hallway.
"Wala naman, may mga tinanong lang at sinabi." tugon ni Stella
"Tulad ng alin?" Tanong ni Lucas.
"Tulad ng sakit daw sa ulo mga lalake sa klase natin kaya kung may problema man daw ay agad kung ipa paalam sakanila. Pero sa tingin ko wala namang magiging problema." Sagot ni Stella habang naka tingin Kay Lucas at nag si ngitian Ang dalawa.Habang nag lalakad ang dalawa sa may hallway naka rinig ng nakaka iritang ingay si Lucas. Tunog ito ng parang nag kikiskisang mga Metal sa loob ng kanyang Tenga. Dahil sa kakairitang tunog na ito Napa luhod si Lucas galing sa kanyang pagkakatayo. Nagulat si Stella sa nangyare naguguluhan ito hindi nito alam kung anong nangyayare sa binata.
"Lucas, ayos ka lang ba? Anong nangyayare sa'yo?" Sambit ng dalaga.
Ngunit hindi ito maririnig ni Lucas Dahil ang tanging tunog Lang na naririnig nito ay ang tunog ng parang nagki kiskisang metal sa loob ng kanyang tenga. Naka luhod ito sa sahig habang takip-takip ng mga kamay nito ang mag kabilaan nitong tenga. "Ah!!" Sigaw ng binata hindi tumigil sa pag sigaw si Lucas Dahil sa sakit na nararamdaman. "Ayoko naaaaa, aaaah!!!" Paulit ulit na sigaw nito. Bawat sigaw nito ay bakas ang Hirap na nadadama nito. Natatakot si Stella sa nangyayare hindi nito alam ang gagawin.
Hinawakan nito si Lucas at pilit pinapainahon ngunit ayaw tumigil ni Lucas sa pag wawala. Hindi nito sadyang maitulak si Stella. Naitabi ni Lucas si Stella at nahampas nito ang dalaga sa pader. Nasaktan si Stella sa nagawa nito. Napansin ni Lucas ang nagawa niya "Pasensya ... Stella... Ahhh....!!" Kahit sa pag hingi nito ng tawad ay hindi parin ito matigil sa pag sigaw Dahil sa sakit.
Tumayo ito at tumakbo papalayo sa dalaga. Tumakbo ito papalayo habang na iwan na naka upo sa gilid si Stella.
Naglalakad si Tyler habang napansin nito ang mga taong nag kukumpulan sa Isang lugar. Lumapit ito at napansin si Stella na naka upo. Nilapitan niya ito at tinanong kung anong nangyare dito.
" Si Lucas.." Tugon ni Stella.
"Lucas? Anong nangyare Kay Lucas?" Tanong ni Tyler Kay Stella.
"Hindi ko alam, bigla nag wala at tumakbo roon." Sagot ni Stella habang naka turo kung saan tumakbo papalayo si Lucas.Hindi nag aksaya ng oras si Tyler at dali-dali itong tumakbo patungo sa lugar na tinuro ni Stella. Habang Tumatakbo hindi nito makita si Lucas sa loob ng skwelahan. Huminto ito ng panandalian at pina ikot -ikot nito ang tingin niya sa paligid at napansin ang palikuran. Pinuntahan nito ni Tyler at nag baka sakaling doon tumungo si Lucas. Pag bukas sa pinto ay napansin nito ang kaibigan na naka upo sa gilid habang naka yuko. Laking tuwa ni Tyler at nakita nito ang Kaibigan.
"Lucas..." Naka ngiting sambit nito habang nag hahabol ng hangin Dahil sa Pagod. Tinaas ni Lucas ang Ulo nito at nakita ang kaibigan.
"Tyler, Ikaw pala yan." Naluluhang sambit ng Kaibigan habang naka ngiti.Unti unti itong tumayo.
"Naririnig ko siya Tyler, tinatawag niya'ko." Sambit niya habang papa lapit ito Kay Tyler.Gulung gulo si Tyler hindi nito alam kung Ano ang sinasambit ng kaibigan. Habang papa lapit si Lucas sa Kaibigan Napa luhod ulit ito at Napa sigaw ng malakas "Ahhh...!!!" Sigaw nito. At bumagsak ito sa lapag at nawalan ng malay. Nag madaling lumapit si Tyler Kay Lucas. At inalalayan ang Ulo nito.
"Lucas.. Lucas..."
Sigaw ni Tyler habang hawak nito ang kaibigan. Si Lucas ay Walang malay na naka higa sa sahig.
.
.
.
.Thank you for reading. Pls leave some comment about my story. Thank you ..
![](https://img.wattpad.com/cover/212632908-288-k930803.jpg)
BINABASA MO ANG
FullMoon: Legend Of The Elemental Wolves
Loup-garouSa ilang libong taon, pinamumunuan ng mga tao ang Mundo. Ngunit hindi ito nagtagal. Unti unting nalaman ng mga tao ang iba't ibang uri ng mga nilalang na naninirahan kasama nila dito sa mundo. Witches, aswang, vampires, mga taong lobo or werewolves...