Chapter 22: The Camp

69 8 0
                                    


-
- (Lucas POV) -
-

           Mga Boses ng mga tao ang aking naririnig.

        "Gising na ba siya?"

   "Hindi pa, tingin ko kailangan pa niya ng kaunting Pahinga."

      Mga taong naguusap malapit sa akin. Ngunit Nararamdaman ko ang aking katawan na pagod na pagod at kailangan pa ng Pahinga.

-

        Isang hindi pamilyar na lugar ang aking nasilayan ng aking buksan ang aking mga mata. Nakahiga ako sa isang higaan na gawa sa kahoy.

        Nilibot ko ang aking paningin at napansin na nasa loob ako sa isang gawang kubo.

         Medyo nanghihina man ay pinilit kong umupo mula sa pagkakahiga ko. At isang pamilyar na tao ang pumasok mula sa pintuan na tinatakpan ng tela.

       Si Sellena. Naka ngiti ito sa akin ng ako ay lapitan. Tumayo ito sa aking gilid.

       "Kumusta ang pakiramdam mo Lucas?''

       Hinawakan ko ang aking ulo ng bahagyang kumirot ito. Naalala ko ang mga nangyare at ang tungkol sa mga Alphas. Ngunit Ang mga naaalala ko lamang ay hanggang sa pakikipag usap ko lamang sa Fire Element.

        Naalala ko ang iba kayat dali dali kong tinanong ito sakanya.

       "Ang iba? Sina Cassandra? Kumusta sila" bahagyang ngumiti si Sellena sa akin. At hinawakan ang aking Kamay.

       "Ayos na sila Lucas, wag ka ng magalala"

        "Kailan ka naka balik Sellena? Saan ka ba nagpunta?"

        "Ayos na ba pakiramdam mo? Lumabas kana may mga naghihintay sayo"

         Hindi ko alam kung anong sinasabi nito, ngunit tumango ako dito upang sabihing ayos na ako.

        Inalalayan ako nito palabas ng Kubo. Ng maka labas na sa pinto ay nakita ko ang humigit kumulang na mga dalawampung katao sa kani kanilang Lugar.

        Ang iba ay naka palibot sa apoy at naguusap. At ang iba naman ay naka tayo.

        Nakita ko rin sina Tyler at iba pa na nasa gilid. Ang mga mata nila ay naka titig sa akin. Lahat ng mga naka upo ay nagsi tayuan.

        At laking Gulat ko sa aking nakita. Ang  kulay ng mata ng mga ito ay nagsi Bago. Mula sa itim ay naging kahel ang mga mata ng lahat. Nasa mahigit dalawampung lobo ang aking nasa harapan. Yumuko ng kaunti ang mga ito upang magbigay pugay.

       "Sila ang tinungo ko Lucas. Ang iyong nasasakupan. Mga handang magbuwis ng kanilang buhay para sa ikabubuti ng marami at ng kinabukasan." Tugon ni Sellena habang pinapakita sa akin ang mga ito.

        Tatlong Tao na may mga Pulang mata Ang nagsi lapit sa akin. At isa Isang pinakilala ni Sellena.

        Tinuro nito ang isang babae.
"Si Sylvania, siya ang namumuno sa mga magpoprotekta sa inyo Lucas."

     Maiksi ang buhok nito halos kapantay ng kanyang Balikat. At ang tindig nito ay parang isang sundalo.

  Nilagay nito ang kanyang kanang kamay sakanyang dibdib at yumuko ng kaunti.

        "Ako at ang aking pack ay handang magbuwis ng buhay para sa inyong kaligtasan" kasabay nito ay ang sabay sabay Na pag yuko ng mga kasamahan nito. Pagpapakita ng pagbibigay galang.

FullMoon: Legend Of The Elemental WolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon