-
- (Lucas POV) -
-
"Papasok na po ako" pag papaalam ko sa aking mga magulang, bago lumabas sa pinto."Mag iingat ka anak" alala ng aking Ama.
"Dumiretso ka sa bahay kauwe" Tugon naman ni Ina
Lumapit namang ang Kuya ko na may bitbit at iniabot ito sa akin.
"Nakalimutan mo baon mo"Masaya akong naglakad patungo sa aking paaralan. Masaya akong kasama sina Ama, Ina at ang aking nakaka tandang kapatid.
Ngunit hindi ko batid kung bakit parang may nakakalimutan ako. Animoy parang may isang bagay na importante akong nakalimutan. Ngunit hindi kona sinayang pa ang oras ko para isipin iyon. Dahil ang importante sa akin ay kasama ko ang aking pamilya.
Masaya akong pumasok ng paaralan mag isa.
"Hi Lucas" bati ng mga kamag aral ko."Magandang Umaga" Bati ko sa mga Ito.
Sa aking paglalakad ay isang pangalan ang aking narinig.
"Nagawa mo ba yung assignment natin Tyler?" Sambit ng isang lalake sa kanyang kaibigan.
Bigla akong natahimik ng marinig ko iyon. Napahinto ako sa aking paglalakad.
'Tyler....Tyler....Tyler.....' Paulit ulit na sinasambit ng isip ko.Bat parang pamilyar ang pangalan na iyon. Saan ko ba yun narinig, sino ba yun? Sa pagkaka alala ko ay Wala akong kilalang Tyler. Ngunit parang may kaka iba sa akin. Ano bang nangyayare.
-
- (Author's POV) -
-Samantala habang naka kulong sa isang imahenasyon si Lucas ay siyang pagbabantay nina Sellena at Tyler sa mga ito.
"Anong nangyayare?" Tugon ni Tyler.
Ang liwanag na nagmumula Kay Bella ay unti unti nang nawawala. Hanggang sa tuluyan na nga itong nawala sa katawan niya.
Nilapitan ito ni Sellena at inalalayan upang maka tayo.
"Kamusta?" Tanong ni Sellena.
"Nagsimula na" tugon ni Bella
"Nagsimula Ang alin" tanong ni Tyler at lumapit ito sa dalawa.
Tinignan ni Sellena si Lucas at nagsalita.
"Ang pagsubok ni Pernicies Kay Lucas. Ang paglilinlang sa Isipan nito.""Wala ba tayong maitutulong?" Pag aalala ni Tyler.
"Sa ngayon ay kailangan lamang natin na maghintay at manalig na malagpasan ito ni Lucas"
Pinagmasdan ng tatlo si Lucas habang naka upo ito sa harapan ng malaking Puno.
Ilang oras na ang nakaka lipas at hindi parin nagigising si Lucas. Inabot na ng Gabi ang mga ito.
Ang tatlo ay naghihintay lamang sa pagbabalik ni Lucas sa katinuan.Habang naka upo si Bella at kinakausap si Tyler ay bigla itong nagkaroon ng isang pangitain.
"Tyler" sambit ni Bella. Napa hawak ito sa kanyang ulo at Biglang bumagsak.
"Bella" sigaw ni Tyler at agad itong inalalayan. "Anong nangyayare?" Pagtatanong into
Hanggang sa iminulat ni Bella ang kanyang mga mata at nagsimula itong nagliwanag ng napaka linaw. Kasabay nito ay ang pagsasalita niya.
Naririnig ng dalawa ang pagsasalita niya ngunit walang maintindihan ang mga ito. Animoy parang nagsasalita si Bella sa ibang lengwahe.
Ilang saglit lamang ay nagbago ang Kulay ng Buwan. Ang kulay nito ay unti unting nagiging Pula.
![](https://img.wattpad.com/cover/212632908-288-k930803.jpg)
BINABASA MO ANG
FullMoon: Legend Of The Elemental Wolves
WerewolfSa ilang libong taon, pinamumunuan ng mga tao ang Mundo. Ngunit hindi ito nagtagal. Unti unting nalaman ng mga tao ang iba't ibang uri ng mga nilalang na naninirahan kasama nila dito sa mundo. Witches, aswang, vampires, mga taong lobo or werewolves...