-
- (Lucas POV) -
-
- (Sa Skwelahan) -
-Ilang araw na rin ang nakaka lipas pagkatapos ng nangyare kina Nicolas.
Magkasama kaming pumasok ni Tyler sa skwelahan pati na sina Renz at Cassandra at sa harapan ng Skwelahan ay naghihintay ang isa pa naming kasama, Si Bella.
Si Bella ay dumagdag sa aming grupo. Tao lamang ito ngunit alam nito ang tungkol sa mga Taong lobo at iba pa dahil kay Nicolas. Lumipat sa aming section si Bella kaya ngayon, kaming Lima ay magkakaklase na.
Naka upo ako sa bandang dulo sa may bintana habang si Tyler naman ay nasa aking kaliwa. Si Bella at Cassandra ay nasa pangalawang row at si Renz ay naka upo sa may unahan. At naka upo naman sa harapan ko ay si Stella.
"Lucas, may date kana ba para sa gaganapin na Welcoming party ng School?" Bulong nito sakin mula sakanyang Upuan.
" Date?" Nakalimutan kona ang tungkol dito, sa ikalawa na pala ang Welcoming Party ng school para sa mga mag aaral. Para itong Ball pero hindi ganoon ka laking celebration.
"Wag mong sabihing wala pa?" Pagsasambit nito habang naka kunot ang mga kilay.
"Bakit meron kana ba?"
"Oo, Si Bella" tugon nito habang naka ngiti. Masasabi kong may pagkaka mabutihan na nga ang dalawa pagkatapos ng mga nangyare.
Kailangan pa bang may maka date doon? Party lang naman iyon para sa mga mag aaral. Inilihis ko ang tingin dito at tumingin sa may bintana.
"Lucas..Lucas...Lucas!" Bulong sakin ni Tyler mula sa Upuan nito.
"Bakit!?" Sigaw ko naman dito.
Gamit ang kanyang mga daliri ay tinuturo nito ang kinauupuan ni Stella. Sinesenyas nito na yayain ko si Stella. Gusto ko man ay hindi naman ako tiyak kung wala pa ba itong kapareha. Nahihiya ako at baka tanggihan lamang ako nito.
Break time na namin noon at kumakain kami ng magkakasabay kaming Lima Nina Tyler. Ay nang matapos ay papunta na sa aming silid ay nakita nito si Stella.
Kinawayan niya ito ay binati. "Stella!" Sigaw nito habang kinakawayan siya.
Lumapit ito sa amin ng tinawag ni Tyler.
"Hi Tyler, Hi Lucas" sambit nito."May itatanong daw si Lucas sayo" sambit nito. Nagulat ako sa sinabi niya at Napa tingin dito. Ng ito naman ay sinesenyasan ako gamit ang kanyang ulo.
"Sge ah. Papasok na kami, mag usap na muna kayo" tugon nito at hinila sina Bella papasok ng Silid.
"T-Teka" sambit ko. Si Tyler talaga kahit kailan.
"Ano yun Lucas?" Tugon nama nito. Mas nahiya tuloy ako sa ginawa ni Tyler. Paano ko ba tatanungin kung may ka Date na ito.
"A-ano kasi. Uhmmm, tungkol sana sa Welcoming Party ng School. Ano kase uhmm.. May Ano kana ba. Uhmm yung ano." Hindi ko alam kung paano ko sasabihin nauutal na ako sa bawat pag Sasalita ko
"Date ba?" Sambit nito sa akin habang naka ngiti.
"Ahh! H-Hindi Ano yung kasamang pupunta sa Ano." Hayyy palpak ka talaga Lucas. Tama na nga ang paligoy ligoy. Huminga ako ng Malalim at nagsimula nang mag salita.
"Oo, may date kana ba Stella? Kung wala pa, Pwede bang Ikaw maka date ko?" Sambit ko dito habang naka tingin sakanya at hawak hawak ang aking ulo.
"Sure, wala pa akong Date Lucas." Sambit nito habang naka ngiti.
"Talaga?" Naka ngiting tugon ko.
-
-Pauwi na kami noon ng magkakasabay kaming Lima ng Maitanong ko kina Renz at Stella kung nasaan na nga ba si Sellena.
![](https://img.wattpad.com/cover/212632908-288-k930803.jpg)
BINABASA MO ANG
FullMoon: Legend Of The Elemental Wolves
WerewolfSa ilang libong taon, pinamumunuan ng mga tao ang Mundo. Ngunit hindi ito nagtagal. Unti unting nalaman ng mga tao ang iba't ibang uri ng mga nilalang na naninirahan kasama nila dito sa mundo. Witches, aswang, vampires, mga taong lobo or werewolves...