Chapter 11: Betrayal

90 10 0
                                    


(Tyler's POV)

      Kasalukayang kakatapos lang noon ng ikatlong subject namin at break time na noon ng magpasya na akong umalis at hindi na pumasok.

     Nag mamaneho ako malapit sa may kakahuyan pauwi, ng biglang may sumulpot na tatlong lalake sa harap ng aking sasakyan. Nagulat ako at Napa preno.

      Pagka preno ko ay biglang nagsilapitan ang mga ito. Mga mababalbon nilang mga mukha at matatalim na mga kuko. Ang mga ito ay hindi tao, sila ay mga taong lobo.

     Gulat at Takot ang aking naramdaman sa mga oras na iyon. Dinukot ako ng mga ito at wala nang nagawa. Ano pa bang magagawa ko? Kahit na mag pumiglas naman ako ay hindi naman ako makakawala. Anong laban ko sakanila? Tao lang ako at mga taong lobo sila.

     Sa mga oras na iyon ay Takot ang aking nararamdaman. Nagtataka rin ako sa mga ito kung bakit parang ingat sila sa akin.

    Sa di kalayuan ay may napansin akong mga bahay. Nasa may kakahuyan kami at nakita ko ang mga ito na naka tingin sa akin.

      Pagka dating ay pinalibutan ako ng mga ito.

"Pinuno" sigaw ng isa.

     Namumukaan ko ang mga ito. Bawat mukha ay nakikilala ko. Tama! Sila yung mga dumukot sa akin noon.

    Napansin ko ang isang lalake na papa lapit sa akin. Kumikinang na kulay pula ang Mata nito. Sigurado ako na ang alpha nila iyon.

    Nang maka lapit na sa akin ay namukaan ko ang itsura nito. Ang mabalbas nitong mukha. Ang malakas nitong tindig at ang mga mata nitong nakakatakot kung tumitig.

   Napa atras ako ng mga tatlong hakbang nang papa lapit ito. At habang papalapit ito ay siya ring pag atras ko.

  "Wag kang matakot Tyler. Di kita sasaktan" sambit nito at ito ay huminto sa pag lapit.

   " Nicolas" natatakot na sambit ko.

"Kakampi mo ako Tyler." Mahinahong tugon nito.

"Kakampi? Nakaka limutan mo na bang minsan mona ako binalak na patayin?" Sumbat ko dito.

"Binalak, pero di ko ginawa Tyler."

"Dimo ginawa Dahil niligtas ako nila Cassandra dati" tugon ko habang umaatras.

"Dati, sa tingin mo ba may pakelam pa sila sayo Tyler?" Sambit nito habang papa lapit sa akin.

   Hindi ko alam kung anong sina sambit nito.

  Habang paatras ay nadapa ako na siyang dahilan upang ako ay mapa upo sa damuhan.

"Kamusta kayo ni Lucas, Tyler?" Tugon nito.

   Nilihis ko ang tingin ko sakanya at tumingin sa baba habang ako ay naka upo parin sa damuhan.

    Oo, sa bawat na pagdinig ko sa pangalan niya ay naiinis parin ako. At ikinakamuhi ko siya Dahil sa ginawa niya.

"Alam ko Tyler, alam ko ang sakit na nararamdaman mo. Alam ko ang sakit nang pagtraydorin. Wala silang pakielam sayo Tyler, wala silang pakielam sa nararamdaman mo." Sambit nito sa akin.

Lumapit ito sa akin at iniabot ang kanyang Kamay.

"Kaya kitang tulungan. Kaya kong ibigay ang bagay na hindi maibigay ni Sellena sayo"
Sambit nito.

     Inggit at poot ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon. Kinuha ko ang kamay nito, at tinulungan ako nitong maka tayo.

FullMoon: Legend Of The Elemental WolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon