-
- (Author's POV) -
-
Nag lakbay sina Lucas at ng iba pa patungo sa sinabing lugar ni Sellena. Lahat sila ay naglakbay halos nasa tatlongpu ang mga ito.Naglakbay ang mga ito patungo sa isang bundok kung saan tago sa mga tao. Hapon na noong makarating ang mga ito rito.
"Dito muna tayo ng mga ilang araw." Sambit ni Sellena sa mga ito.
Tumigil ang mga ito sa paglalakad isang malawak na kapatagan malapit sa kagubatan ang pinag pahingaan ng mga ito. Ilang saglit lamang ay nagsi kilos na ang ibang mga lobo. Upang kumuha ng nga kahoy at nang maka gawa na ang mga ito ng masisilungan. Pumasok ang ibang lobo sa kagubat upang kumuha ng mga puno. Ng magpasya si Lucas na Tumulong sa mga Ito.
"Alpha, kaya na namin ito. Hindi mo na kami kailangang tulungan." Tugon ng isang lalake. Nagsi tanguan naman ang iba pawang sumasang ayon sa sinambit ng kasama nila.
"Kaya mo ba talaga kaming pamunuan." Sigaw ng isa mula sa Likod.
Pagkasambit nito ay nagsisibulungan ang mga iba pa. "Ano bang pinagsasabi mo" sigaw ng isa rito.
"Tumahimik ka nga" sigaw pa ng isa.Isang lalakeng lobo ang lumitaw mula sa Likod ng iba pa.
"Bakit ako titigil, tinatanong ko lang naman siya kung kaya ba talaga niya tayong pamunuang lahat."At isang lalakeng Lobo din ang lumapit sa nagsalita at kinausap ito.
"Gumalang ka sa Alpha" Inis na sambit nito."Totoo naman ang sinasabi ko. Handa nating ilaan ang buhay natin para sakanya, para sa kinabukasan ng lahat. Lahat tayo handang sumunod sakanya. Pero kaya niya ba? Kaya niya ba talaga tayong iligtas? Kung ganoon ay paano? Ni hindi nga niya kayang kontrolin ang kakayahan niya."
Nagsi litawan ng pangil at nagsi bago ng mga kulay ng mga mata ang iba. At kita ang matinding gulo na mangyayare.
Kita Nina Stella ang nangyayare ngunit pinilit nalamang ng mga ito na manahimik.
"Anong nangyayare don?" Tugon ni Bella. Akma ng pupuntahan ni Tyler ang kaibigan ngunit pinigilan ito ni Sellena. Tinignan nito si Sellena at umiiling naman ito.
At kita rin ni Tyler ang iba pang Alphas. Na naka tingin sa pinaroroonan ni Lucas at pawang nakikinig lamang at ayaw Makielam sa mga ito.
"Hayaan mo lamang siya Tyler."
Batid ni Tyler ang nangyayare kayat hinayaan nalamang niya ito. At mula rito ay pinagmamasdan ng mga ito, si Lucas.
Akma ng magkaka gulo ng Nagsalita si Lucas at tumahimik ang lahat
"Baka nga hindi. Oo, alam kong nakikitaan niyo ako ng pagiging mahina. Alam kong malayo ang paniniwala namin sa sarili ng aking ama. Alam kong natatakot kayo, aaminin ko natatakot din ako. Pero hindi ako susuko sa inyo. Ang laban niyo ay laban ko rin. Alam kong maraming buhay na ang nawala para sa laban natin ngayon. Kayat hindi kona hahayaan pang may buhay na mawawala pa. Kung kaya niyong ibuwis ang mga buhay niyo sa akin. Kaya ko ring ilaan ang buhay ko para sa inyo. Oo, baka nga hindi ko kayo kayang protektahan sa ngayon. Pero ipinapangako ko sa inyo, na hindi ako susuko para maging karapat dapat ako sa inyo. Karapat dapat na maging Alpha ninyo."
Bawat isa ay natahimik sa bawat pagsasalita ni Lucas. Bawat isa ay ramdam ang dedikasyon at pagiging totoo ni Lucas sa mga sinasabi nito. At bawat isa ay naramdaman na nasa tamang pangangalaga sila.
"Lucas.....Lucas.....Lucas....Lucas..." Sigaw ng bawat taong lobo. Bawat isa ay hinihiyaw ang pangalan ng kanilang Alpha.
At sina Stella at ang iba naman ay natutuwa sa ginawang asal ni Lucas.

BINABASA MO ANG
FullMoon: Legend Of The Elemental Wolves
WerewolfSa ilang libong taon, pinamumunuan ng mga tao ang Mundo. Ngunit hindi ito nagtagal. Unti unting nalaman ng mga tao ang iba't ibang uri ng mga nilalang na naninirahan kasama nila dito sa mundo. Witches, aswang, vampires, mga taong lobo or werewolves...