-
- (Author's POV) -
-"Patayin mona sila" pag uutos ni Venora sa lalake, habang naka talikod ito sa Walang malay na si Lucas at papalapit kina Cassandra at Stella.
Akma ng gagawin ng lalake ang sinasambit nito ng matigilan ang dalawa, Dahil sa Isang malakas na presensyang kanilang Nararamdaman.
Napahinto si Venora sa paglalakad. Naramdaman niya ang Isang malakas na enerhiya. Tumungin ito sa Likod niya at nakita si Lucas na nakatayo.
"Hindi maaari" tugon nito sa sarili. Kita nito si Lucas na nababalot ng apoy ang kanyang buong katawan. At ang apoy na iyon ay parang humuhugis ng parang Isang Lobo at si Lucas ang nasa Gitna nito.
Ramdam nito ang enerhiyang nagmumula sa katawan ni Lucas. At ang mga mata nito, mula sa Kulay kahel ay unti unti itong nagiging matingkad na pula. Ka kulay ng mga mata ng mga Alphas.
"Nagising na" Naka ngising sambit ni Venora.
-
- (Renz POV) -
-Magkakasama kaming lumayo nina Bella at Tyler, hindi namin napansin na napahiwalay kami kina Lucas. Habang lumalayo kami ay may napansin kaming maitim na usok sa gilid. Hanggang sa nauna na ito sa amin at bumungad sa aming harapan. At kami ay napatigil.
"Ano yan?" Tanong ni Bella.
Isang makapal na maitim na usok ang nasa harapan namin.
"Umatras kayo" pag uutos ko sa mga ito. Sa gitna ng makapal na usok ay Isang malabong imahe ng tao ang aming naaaninag at unti unti na itong Naging malinaw.Isang lalake na naka suot ng maitim na Balabal at ang mga mata nitong mapupula, ang bumungad sa aming tatlo.
"Kamusta" naka ngising sambit nito. Base sa mukha nito ay magka edad lamang kame nito.
Nakaka inis ang mukha nito na animoy parang gustong makipag laro. Batid ko ang panganib na dala nito. Nararamdaman ko din ang malakas na presensyang nanggagaling dito.
"Mukhang maiinip ako sa laban na ito. Isang Beta, at dalawang tao." Naka dismayang Tugon nito.
"Tyler, Humanap kayo ng mapag tataguan niyo." Paguutos ko sa mga ito at dali daling lumayo ang mga ito at nag tago sa Isang puno.
"Ikaw lang Ang lalaban sakin? Nagpapatawa ka ba?" Pag sambit nito ay siyang mabilis na pag lapit nito sa akin.
Nababalot ang kalahati ng katawan nito sa usok. At animoy parang lumilipad sa hangin kasabay ng makapal at maitim na usok.
Gamit ang kanan nitong kamay akma na ako nitong Susuntukin sa mukha, nang maka ilag ako dito.
Bawat pag suntok nito ay nababalutan ng makapal na usok ang kanyang kamay. Ngunit makapal ito at Nararamdaman ko rin ang lakas nito kapag tumatama sa akin.
Sa bawat pag suntok nito ay siya namang aking pag iwas. Mabilis man ang aking kilos ay mas mabilis ito, Dahil parang sumasayaw lamang ito sa hangin.
Nang maka tiyempo ay binigyan ko ito ng malakas na suntok sa tiyan. Ngunit pagka suntok ko ay tumagos lamang ang aking kamao. Para lamang akong sumuntok sa hangin.
kasabay nito ay siyang paghigpit ng aking Kamay sa kaniyang katawan. Hindi ko maialis ito. Para bang naka semento ang aking Kamay sakanya, sa sobrang higpit nito.

BINABASA MO ANG
FullMoon: Legend Of The Elemental Wolves
WerewolfSa ilang libong taon, pinamumunuan ng mga tao ang Mundo. Ngunit hindi ito nagtagal. Unti unting nalaman ng mga tao ang iba't ibang uri ng mga nilalang na naninirahan kasama nila dito sa mundo. Witches, aswang, vampires, mga taong lobo or werewolves...