(Tyler's POV)Pumasok na ako sa aming silid aralan at nakita si Lucas na naka upo.
Nilapitan ko ito sa kanyang Upuan, galit at inggit ang aking nararamdaman.Naka tingin ito sa akin at binati ako. Hinila ko ang kanyang kwelyo at itinaas.
"Bakit ba kailangang Ikaw pa!" Sambit ko dito ng may galit.
Bakas sa mukha ni Lucas ang pagtataka.
"Bakit, bakit ba Ikaw. Ikaw nalang lagi, bakit ba kailangang Ikaw pa! Ano bang wala sa akin!" Sigaw ko rito habang hawak ng dalawang kamay ko ang kwelyo ng kanyang uniporme.
"Tyler, Ano bang sinasabi mo?" Sambit nito habang hinawakan ang nga kamay ko at pilit iniaalis ang mga ito mula sa pagkakahawak sa kanyang kwelyo.
Hindi ko napansin ang mga luhang tumutulo mula sa aking mga mata.
At napansin na pinagtitinginan kami ng aming mga kaklase. Hindi ko sila masisi Dahil kahit sino naman ay mabibigla sa aking ginawa.Pagka kalas ko sa pag kaka hawak sa kwelyo nito ay hinila nito ang aking kamay at Hinila ako palabas ng Silid at doon nag usap.
"Ano bang nangyayare sa'yo Tyler, bat ka nagkaka ganyan,.Ano bang problema?" sambit nito habang ako ay pina painahon.
Ikinwento ko rito ang mga nangyare at ang mga sinabi ni Bella sa akin.
Batid ko ang aking ginawa, at ako'y nagsisisi. Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon nagawa siguro ay dahil sa inggit at selos.
Hinawakan ako Neto sa aking mga balikat at pina tingin sa kanyang mga mata.
"Tyler, wag kang mag alala. Wala akong balak na agawin sayo si Bella. Kaibigan moko, hndi ko magagawa sayo iyon."
"Patawad" sambit ko naman dito.
Alam ko naman sa sarili ko na hindi gagawin ni Lucas iyon sa akin.
-
(End of class)
-Tapos na ang klase namin noon ng hanapin ko si Lucas upang kami ay maka uwi na.
Nagtanong tanong ako sa aking mga kaklase at sinabing hndi daw alam ng mga ito kung saan ito nag tungo. Napansin ko ang isang sulat na naka dikit sa aking Upuan.
Puntahan moko sa likod ng Skwelahan
-LucasYun ang naka sulat sa papel. At dali dali itong pinuntahan
Nang ako ay malapit na ay may naririnig akong dalawang tao na nagsasalita. Nabosesan ko ang isa sa mga iyon at natitiyak ko na si Lucas iyon. Pero ang isa ay hindi ko batid kung sino pero tiyak ko na isa iyong babae. Parang pamilyar ang boses niya pero hindi kona ito inisip at nagtungo nalamang ako sa pinaroroonan nila.
Nagdalidali akong magpunta rito at tumakbo papalapit.
"Lucas" sigaw ko.
Ngunit Napa hinto ako sa aking paglalakad ng makita si Lucas na may kahalikang babae. At mas lalo pa akong nagulat ng makita ko kung sino ang kahalikan nito.
Si Bella iyon. Hindi ako maka paniwala sa aking nakita. Galit ang naramdaman ko sa mga oras na iyon.
At hindi napansin ang luhang tumulo mula sa aking mga mata.Napansin ako ni Lucas kaya't natigil ang kanilang ginagawa. Palapit ito sa akin at ako ay tumakbo papalayo.
Hindi ko lubos maisip na magagawa iyon saakin ni Lucas. Galit ang nararamdaman ko dito. Ayoko mang maniwala ay hindi mawawala sa aking isip ang paglolokong ginawa nito sa akin.
BINABASA MO ANG
FullMoon: Legend Of The Elemental Wolves
WerewolfSa ilang libong taon, pinamumunuan ng mga tao ang Mundo. Ngunit hindi ito nagtagal. Unti unting nalaman ng mga tao ang iba't ibang uri ng mga nilalang na naninirahan kasama nila dito sa mundo. Witches, aswang, vampires, mga taong lobo or werewolves...